Thursday, May 6, 2010

Playing Safe

Pareho lang ba yung playing safe tsaka rebound?

yung magmamahal ka ng iba para kalimutan mo yung isa (yung talagang mahal mo?) bakit may question mark pa rin?

Sige ayaw mo mong masaktan kaya playing safe ka taz kukuha ka ng rebound taz sa katagalan ikaw na yung nasasaktan, nahihirapan, naguguluhan, taz yung pinalitan mo single pa rin sa tagal ng panahon..... siguro mga 10 years na..... eh ikaw nakatali ka na....

May mga dependents na, na tinatawag kaya di ka na makapalag, pero pano pag hindi ka na masaya? o naging masaya ka ba talaga? Pagkatapos ng lahat at sa haba ng panahon may magagawa ka pa ba?

May mga pagkakataon pa na ayaw mo na siyang masaktan kze akala mo mahal ka niya sabi niya eh diba? tapos ni hindi ka na din makakilos ng gusto mo yung ikakasaya ng mundo mo....

kaka playing safe mo at rebound parang talo ka pa rin pala... kasi hindi ka nagpakatotoo ganun ba? ngayon huli na ba lahat? may mga tanong pang bakit, kung sakali bang hindi naging kayo sigurado ka ba naman dun sa isa? na magiging masaya ka o magiging kuntento ka na din ba?

mahirap pag isipan ang mga bagay na muntik lang nangyari, taz yung nangyari parang mas masakit isipin diba? wahhhhh..... hirap noh!

pano kaya kung malakas ang loob mo? taz sinunod mo kung ano talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo? magiging masaya ka nga nakasakit ka naman... iisipin mo pang masaktan ka na wag lang sila hayyy........... buhay.....

playing safe daw sabi ng rocksteddy.......

hanggang playing safe ka na lang talaga.....

No comments:

Post a Comment