Thursday, May 6, 2010

BITCH

BITCH

Why? Why that more men are not contented to their partners, wives, mistress, girlfriends?

Why? Well this is just for fun no hurt feelings whoever got through this, remember this is not for YOU! This is just playing to my thoughts I just want to write it in here for the record..

Lahat ng tatamaan I I L A G… okay…. (Tabi-tabi po)

GAME….

I’ve been a lot of wondering if you really at least ready to fulfill my needs as what you called your whatever you want, your just a boy when I met you, a responsible boy, a virgin. I taught you everything you have to learned, I gave you the fullest, but! As what I’ve said you’re still a boy! You encountered some flings that I would never forgiven and that makes our relationship more miserable than ever till now blame me for the cause we haven’t really fulfill the happiness you have just promised you ~!@!##$ … anyway it just what happen if you really don’t love each other you will find another bitch … One question? Am I not that BITCHenough, fuck! I know I’m expert on that; I’ve been a lot of them before. Why don’t you just find some virgin as if they’re still existed? And I can be your everyone you need, everyone you want, I can be your partner, wife, girlfriend, mistress, GRO in the club, O-N-S, fling, fucking friend, anyone, dancer at the top of the table, be your table for the whole night, giving me tip for kissing you in full French kiss, you can order me ladies drink and pay me some bar fine to get me out and pay some room to check me in.

Why of all mistakes that man should really need to have some good times with other Bitch ey, they’re all just the same, they’re still ol’ BITCH. Glad I’m one of them!

What if women play the game that man played? It this cause a little more eww thing? And how’s that? More men says its better that they get another woman than another man for they playmate, what about in our case, can we also get another man than another woman for a playmate too. How is that sounds like to you huh?! Ego Breaker?! Can I laughed out loud now?!

Well I remember one guy who called me a FUCKING BITCH before around 2002, is that really harsh, in my case NO! Why? cause I break his head! Damn thing he rest assured he fucking kill me in pain when he taking me for granted as I gave him everything. But God loves me so much giving me my Karma… He he he… But still we survive.. back to the topic…

Bitchiness is not that really woman’s effort, its normal, its natural thing woman’s have…

Agree!!! Com’ on…

Well some sort of advice to some man who really want to cross the real world of fire…

Take Good Care… you might be burn and suffer that will not allowed you to even scream for pain… and maybe the REAL WORLD MIGHT BE TOO LATE TO RECOGNIZE AND RECOVER.

This is not for men only, BITCH also deserve to see their REAL WORLD as WELL… Thanks…

(and in my case I’m living in my REAL WORLD now.. Good Luck to the others…c”) )

MY LIFE

Chapter 1

“Long Distance”

“Guy’s this is Ryanne, our new cashier and Hilary’s new training for encoder.” Boses yun ni Boss, habang pinakikilala niya ‘ko sa mga bagong makakatrabaho ko, sa bagong lugar na yon para sa kin ay napakalayo sa kabihasnan. Nagsara kasi yung pinapasukan kong American Encoding Company sa Makati, 5 months na rin akong walang trabaho kaya nang naghanap ng bagong encoder sa computer shop na pinapasukan ng kaibigan ko tinanggap ko na kahit malayo, may staff house na mang tutuluyan pag single ka o wala kang matutuluyan sa Laguna, ok na to kesa wala, umikot ang tingin ko sa maliit at makipot na computer shop na papasukan ko isa lang yung kapirasong space sa isang mall at sa may ilalim pa ng hagdan. “Rye eto ang kaha, tuturuan ka ni Milan kung pano ang gagawin pero bago yan kumain muna tayo ng mama mo” sabi ni bossing, si mama ay ang kaibigan kong taga makati din, magkababata kami, ahead lang siya sa kin ng two years, naging president siya ng isang youth organization sa makati kung saan vice naman ako, naging magkasama din kami sa isang dance group kung saan assistant choreographer niya ako, kaya mama ang tawag ko sa kanya dahil siya ang nagturo ng maraming bagay sa kin at siya higit sa lahat ang isa sa mga ginagalang at nirerespeto ko sa lugar namin.

“Ok, lang ba kay Meynard, Rye na dito ka mag iistay” tanong ni mama habang kumakain kami sa isang fastfood sa loob ng mall ding yon,

“I’m sure, Meynard will understand, kailangan ni Ryanne ng trabaho isa pa siya lang naman ang inaasahan ng Mommy niya kasi nag iisang anak siya, wala naman silang pwedeng asahang iba” sagot naman ni boss.

“Opo nga boss, nahirapan nga si Mommy nung nawalan ako ng trabaho tapos pinaalis pa kami dun sa tinitirhan namin kaya naghanap pa kami ng bagong malilipatan, buti na lang may makakasama si Mommy dun, kasi kasama niya yung pamangkin niya, may kahati kami sa upa.”

“Oo nga ikaw din pala magbabayad ng upa ng mommy mo dun sa makati, hayaan mo pag nakaluwag ka pwede ka namang maghanap ng bahay dito na mura lang eh para magkasama na kayo ng Mommy mo” payo ulit ni Boss.

“Eh pano si Meynard?” tanong ulit ni Mama.

“Maguusap pa kami ma, pag uwi ko mamya, alam mo naman hindi din ako sanay ng malayo sa kanya.”

“Hay! Naku Ryanne wag mong iniintindi yang mama mo, bakit naman kasi si Meynard ang iniisip mo eh si Ryanne ang magdedesisyon kung gusto niyang magtrabaho dito” singit ni Boss na halatang may disgusto kay Meynard, sa totoo lang marami talagang hindi boto sa kanya ewan ko kung bakit, para kasi sa kin ok na ok siya, mabait, masipag, maalalahanin, sweet paminsan-minsan, yun nga lang sumpungin pero kahit na, mahal na mahal ko siya, sa lahat naman kasi nang naging boyfriend ko, sa kanya lang ako tumino ng ganito ang problema nga lang lagi din kaming on and off pag sinusumpong yun pinaiiyak ako ng pinaiiyak kasi nakikipagkalas siya sa kin. Nag-aaral at nagtatrabaho siya habang nagte-training sa kung saan saang institution, nakakabilib nga kasi masipag siyang mag-aral at may pangarap siya sa buhay di tulad ko kuntento na sa ganito, mababa lang naman ang pangarap ko eh, mabigyan si Mommy ng sariling bahay kahit maliit lang basta sarili at tsaka permanenteng trabaho o stable job na pwede akong makaipon in the future.

Hinatid ako nila boss sa bahay nang araw ding yun, at inabutan ko si Meynard na nakaupo sa sala. Hindi na tumuloy sila Boss kasi medyo gabi na din.

“Oh, kumusta first day? Ok naman ba?” salubong ni Mommy habang nagbi-bless ako sa kanya.

“Uhmm.. opo, ok naman po”

“O, kumain ka na ba? Si Meynard inalok kong kumain, tapos na daw siya.” Halata din ang disgusto ni Mommy kay Meynard ewan kong ayaw niya lang akong nakikitang umiiyak tuwing inaaway ako ni Meynard o ayaw niya talaga dito pero pinapansin niya naman ito at ok din ang pakikisama niya yun nga lang di ko mabasa kung ano ba talaga ang nararamdama niya para rito, kung boto ba o hindi.

“Hi! Hon, kumain ka na ba? Gusto mo sabay na tayong kumain? ” tanong ko habang tumatabi sa inuupuan niya, hahalik sana ko sa pisngi niya kaso umiwas siya.

“Baka pwede nating pag-usapan yang trabaho mo at baka gusto mong sabihin sa kin ang tungkol diyan, kasi kay Mommy pa galing ang balitang magtatrabaho ka daw sa Laguna, ni hindi mo man lang ipinaalam sa kin o kahit sinabi mo man lang” mahina pero mariin ang mga katagang binitawan nito halatang galit.

“Pasensiya na Hon, biglaan kasi, kagabi lang nabanggit sa kin yun ni Mama Ana tapos kanina sinundo na nila ko dito at isasama daw nila ko dun para maitrain. Sasabihin ko naman talaga sayo ngayon kaya nga tumawag ako sayo kanina eh diba?”

“Oo nga tumawag ka ng alas sais ng gabi ang sabi mo pumunta nga ko dito at may good news ka, so eto yun? yung may trabaho ka na ulit?”nakakunot noong tanong nito.

“Hindi po ba good news yun Hon?” balik tanong kong naglalambing na, may sumpong na naman ang mahal kong boyfriend.

Bumuntong hininga lang ito at nagtanong

“So bukas dun ka na titira sa staff house niyo? Si Mommy na ang nagkwento ng lahat kaya kahit hindi mo na ulitin wala na naman akong magagawa eh.” Tampong tanong nito.

“Ahmmm, Sa Lunes pa simula ko…”

“Eh pano tayo? alam mo namang hirap na nga kong kumuha ng oras para sa ating dalawa tapos lalayo ka pa, I mean hindi kita pinagbabawalan ang sakin lang long distance yon, at hindi ako sanay ng ganon ” nakakaawang sabi nito mahal na mahal din naman ako ng lalaking ito nararamdaman ko yon kaya nga mahal na mahal ko din siya.

“Don’t worry hon may manila line naman kami don anytime pwede akong tumawag sayo gaya din nang nandito ako, para lang din akong nandito…”

“Hindi mo pa rin maalis sa kin ang magalala isa pa alam mo naman na bigla na lang akong sumusulpot dito sa inyo pag nababakante ako, eh pano kung andun ka na hindi naman ako pwedeng bumiyahe ng higit sa isang oras para lang sumulpot dun.” Putol nito sa paliwanag ko, alam ko naman ang pinag aalala niya sa dalawang taong relasyon naming ngayon lang talaga ko mahihiwalay sa kanya.

Nagpakawala ako ng buntong hininga.

“Okay sige, susubukan natin ang bagong set up na to fine, pero hindi ako nangangako at hindi na din ako aasa…” hindi niya tinuloy ang sasabihin niya na alam ko naman na hindi na niya aasahan kung hanggang san pa aabot ang relasyon namin. Ganon ba kababaw ang tingin niya sa relasyong pinaghirapan namin ng dalawang taon, hindi niya ba inisip na napakarami na naming pinagdaanan, nag against all odds at you and me against the world na din ang relasyon namin bago tinanggap ng mommy ko na wala na siyang magagawa kundi tanggapin si Meynard ang mahal ko sa dami nga naman nang nanligaw sa kin at nanliligaw pa kahit kami na ni Meynard meron pa ngang binalikan ako nang boyfriend ko nung highschool at niyaya akong pakasal susme di muna ko niligawan ulit naloka talaga ko, ang haba ng buhok ko. Meron pang crush ng bestfriend ko eh nanligaw din pero nung binasted ko eh umaktong bestfriend ko na lang daw hanggang sa napansin kong balak lang talagang mahulog ang loob ko sa kanya at higit pa sa kaibigan ang gusto niya sa kin, pati mga bestfriend ko nun nagtampo at inaway ako dahil dun.

“Ano?” putol nito sa pagbabalik tanaw ko sa mga nakaraan.

“Anong ano? I mean ano ba talaga ang iniisip mo tungkol sa pagkakatanggap ko ng trabaho sa Laguna, trabaho naman ang pinunta ko dun hindi ang layuan ka” inis na sabi ko na para bang may kasalanan akong dapat ihingi ng tawad sa kanya.

“Sigeh, wala nga lang sisihan kung hindi maganda ang kalalabasan ng relasyon natin kasi di talaga ko sanay ng malayo ka.” Suko nito.

“Ano bang pinagaalala mo? Tapatin mo nga ko? Anong ibig mong sabihin?”

Sunod sunod na tanong ko kasi di ko talaga alam kung ano ang trip nitong kausap ko at napaka big deal sa kanya ng pagtatrabaho ko sa malayo.

Disinuebe anyos pa lang ako pero halos parang sanay na ko sa pakikipagrelasyon marami na din kasi kong naging boyfriend since my childhood sweetheart ako naging kaibigan ko rin nung nagkasawaan kami for four years na relasyon kasi napakabata pa naming non first year highschool hanggang fourth year high school magkarelasyon kami at yung huling dalawang taon namin eh may mga naging fling ako at ganun din siya open naman kami sa isat isa hanggang narealize namin na masaya na lang kami pag magkasama at yung tinatawag naming pagmamahalan eh nauwi na lang pagkakaibigan, ako pa nga ang naging tulay nila nang isa sa mga bestfriend ko kaso di din naman sila nagtagal.

“Wala naman akong gustong sabihin o palabasin ang sakin lang kung lalayo ka maraming magbabago…” putol nito sa muli kong pagbabaliktanaw

“Pati ikaw?” salag ko sa sinasabi nito

“Pati ikaw hindi ba?” ulit ko medyo napipikon na talaga.

“Oo, at hindi lang naman ako pati ikaw!” diin nito hindi kasi kami pwedeng magsigawan gaya ng pag may pinagaawayan kami sa isang pribadong lugar kami naguusap at nagtatalo para pag nakapagpaliwanagan eh may pupuntahan na.

Hindi na naman bago sa min ang pre marital sex, liberal na masyado ang buhay namin, actually tinanggap niya ko inspite of what he knows about me, as in everything naiopen ko sa kanya nung nagdesisyon kaming magkarelasyon, kasi nung una hindi naman kami nagligawan, medyo biglaan lang din, tapos parang basta naging kami na lang. Pero wala naman akong nilihim sa kanya nasa sa kanya na yon kung seseryusuhin niya ko, wala naman din akong balak umasa na may matinong lalaking magbibigay sa kin ng isang pamilya balang araw, broken family kami kaya sabi ko mas mabuti na din yung magkaanak na lang ako at hindi panagutan kesa mag asawa tapos iiwan din naman.

“I got your point, now kung wala kang tiwala sa relasyon natin at sa ting dalawa na malalagpasan natin to fine, sige, basta ako, pagtatrabaho muna ang iisipin ko ngayon, kasi pag hindi ako nagtrabaho wala kaming kakainin ng mommy ko” pagtatapos ko.

“Is that….is that… goodbye” mahinang sabi nito sabay hawak sa kamay ko.

Anak naman ng.. magdrama pa ba, Susmaryosep naman… kanina halos gusto niya kong batuhin ng mga katagang ‘mabuti pang maghiwalay na lang tayo ng maayos ngayon kesa umasa tayo na malalagpasan natin to’ ngayon naman parang gustong magmakaawang subukan pa ba namin o dito na lang ako maghanap ng trabaho para di na kami magkalayo.

“Alam mo hon, di ko alam kung bangag, lasing o ano ba meron ka ngayon araw na’to, ang alam ko lang minimigraine ako sa pinagdidiskusyunan natin ngayong gabi baka antok lang yan o pagod, bukas na natin pag usapan yan may dalawang araw pa kong paghahandaan kasi sa Monday official na kong empleyado sa C&M Enterprises.” Mahabang paliwanag ko.

“Sige kita tayo bukas after lunch, and after dinner na kita ihahatid, gaya ng dati.” Malungkot na sabi nito na halos bulong na lang.

Magalang na nagpaalam ito kay mommy, sa pinsan ko at sa asawa nito.

Kinabukasan Shangri-la Edsa, gaya ng dati waiting na naman ang beauty ko ala una kasi ang usapan namin pero, dumadating ako dun fifteen minutes before one, siya naman as usual laging late kundi fifteen minutes eh thirty minutes meron pa nga minsang 2 hours.

“Kanina ka pa?” bati nito sabay mabilis na dinampian ako ng halik sa labi.

“Mga twenty minutes lang” sagot ko.

Napag usapan namin ang lahat, nagkasundo kami na kailangan magkaroon kami ng oras sa isa’t-isa kahit sa phone lang, sanay kasi kami na pag hindi kami nagkikita madalas sa telepono kami nagbababad, kahit naglalaba kami, bago kumain, pagkatapos kumain, bago matulog. Binigyan niya din ako ng cellphone number ng kuya niya para in case pwede ko siyang itext kasi bago pa lang ding nauuso ang cellphone nun. Napagkasunduan din naming uuwi ako tuwing Wednesday ng gabi after work kasi Thursday ang dayoff ko. Subukan daw namin baka mag work kahit long distance ang relasyon namin. Sabagay kahit ako di ako pabor dun, kasi may naging boyfriend din akong isang taon kong inasam, tapos pakalipas nang isang taong paghanga ko sa kanya eh niligawan niya naman ako at sinagot ko din naman siya, pero tatlong buwan pa lang din kaming magkasintahan eh nagpaalam na pupunta siya sa Australia dahil pinetisyon siya ng papa niya. Isang taon kong pinangarap, tatlong buwan kong nakasama, siyam na buwan na malayo sa isa’t isa hanggang sa naghiwalay din kami kasi nakapag asawa siya dun ng Australiana. Nung unang mga buwan pagkaalis niya, tumatawag tawag pa siya sa kin at sumusulat pakiramdam ko din noon mahal na mahal niya ko, kasi kahit nasa malayo siya pinipilit niyang magkaroon kami ng communication. Pero bandang huli yun nga nag-asawa nga siya ng iba dun. Kaya hindi ko din masisi kung kung nag-iisip si Meynard na baka mauwi lang din kami sa hiwalayan.

Lumipas ang halos dalawang buwan ko sa Laguna, nasunod ang mga napagusapan naming kondisyon, kaso medyo may mali, kasi sabi niya kahit papano bigyan namin ng oras ang isa’t isa napapansin ko kasi hindi kami makakapag-usap sa phone kung hindi ako ang tumatawag at hindi din kami magkikita kung hindi ako ang luluwas ng maynila I mean kahit sana twice a month magkaeffort man lang siyang bisitahin ako maramdaman ko lang din na importante ako sa kanya, nung una siya yung takot sa ganitong sitwasyon ang sistema tuloy parang pinabayaan niyang ako lang ang gumawa ng paraan para magkausap at magkita kami. Hindi din niya sinasagot ang mga text ko sa kuya niya ang sabi niya pag nasa staffhouse ako dun kami pwedeng makapagusap kahit sa text lang. Minsan nga sa cellphone na din ako tumatawag yun nakakausap ko siya sabi niya wala daw siyang load at kung anu-anong alibi pero syempre pag nakakausap ko na siya natutunaw yung tampo ko sa kanya, mahal na mahal ko talaga siya. Ang tanong ko na lang sa sarili ko hanggang kelan kami ganito.


Chapter 2

“Tsinito”

“Ryanne sasabay ka ba sa king pumasok?” tanong ni kuya Eugene isa sa mga naging best buddy ko sa C&M, 30 years old binatang binata pero babaero, ang dami ng pinakilalang babae sa kin nyan meron pa ngang inaway ako. Isang mabait at maalalahanin na kuya, inalalayan niya ko sa C&M, Store Assistant siya dun, messenger at pinakakuya ng lahat. No wonder magkasundo kami kasi pareho kami ng bisyo maliban sa sigarilyo hindi kasi siya naninigarilyo, pero pag gabi bago kami umuwi sa staff house madalas kami sa bilyaran, at umiinom ng beer.

“Oo kuya, magbibihis na lang po ako.” Sagot ko naman katatapos ko lang din maligo nun, nasa taas kasi ang kwarto namin siya lang din kasi ang nag iisang lalaki kaya sa baba siya natutulog may folding bed siya dun na may foam, ako naman since bago lang ako nasa sala ako sa second floor natutulog nahihiya kasi sa mga kasama ko minsan kasi naninigarilyo ako bago matulog kaya sa labas ako natutulog tsaka nasa sala din ang tv at radyo malapit din sa banyo. Maluwag naman yung sala, may sofabed na pwedeng ilatag pag matutulog na ko kasi ipinahiram ni boss talaga yun ng sinabi kong sa sala na lang ako matutulog, may divider na lalagyan ng tv at radio, tsaka plastic cabinet para sa mga damit ko.

Pagkatapos kong magbihis alas otso y medya pa lang nun, alas diyes pa nagbubukas ang mall na pinapasukan namin, kaya pinagsaluhan namin ang hinanda niyang pagkain.

“Sinangag ko yung natirang kanin, kasi hindi na natin naubos yung pagkain kagabi nalasing na tayo masyado.” Umpisa nito sa kwentuhan.

“Oi, kuya hah sobra ka naman kung nalasing ako di hindi na ko nakaakyat sa taas nakapagshower pa nga ko bago matulog eh.’ Bara ko sa kwento niya habang nailing na natatawa ganyan talaga magkwento yan exaggerated.

“Ibig kong sabihin hindi na tayo nakakain ulit, di ba sanay tayong nagfufood trip pag nakainom.”

“Oo nga po, kaya lang sa dami ng napag usapan natin kagabi nakalimutan natin yung oras no, buti nga maaga pa rin tayong nagising.” Pagtatapos ko sabay tayo nilagay ko na sa lababo yung plato ko at sumindi ng isang sigarilyo at hinintay siyang matapos kumain. Ako na kasi ang maghuhugas ng pinagkainan namin para pagkatapos diretso sepilyo na din.

Sa Mall, as usual gaya ng mga nagdaang araw kami na naman ang nagbubukas ng mall wala pa atang nine o’clock ng dumating kami kasi walking distance lang ang layo ng staff house namin sa mall. Isang up and down apartment ang staff house namin at mga five minutes din ang layo nito sa mall.

Gaya ng dati, wala pa ding masyadong tao sa mall in short ilan ilan pa lang talaga karamihan eh yung mga food chain na naglilinis at nagpeprepare ng mga ititinda nila at mga ilang janitor na naglilinis ng mall. At dahil kanya kanyang linis ng stall, naglilinis kami ni kuya Eug ng stall habang umiindak kami sa tugtog na galing sa mga computer naming hindi naman kalakasan yung tipong tama lang pampaindak habang naglilinis at nagliligpit sa stall, inayos ko ang mga display sa stante, binuksan ko ang Xerox machine kasi matagal yong mag warm up, nagluto naman si kuya Eug ng sauce ng tinitinda naming nachos pampaalis bagot ng mga naghihitay naming customer sa mga pinagagawa nilang documents. Maya-maya nagwalis at nagmap na din kami at habang basa ang sahig, eh lumalabas kami ng stall para matuyo ito, may mangilan ngilan ng bukas na stall, bukas na din yung coffee shop sa harapan namin kaya tumawid muna ko dun, nakikisigarilyo kasi ko dun, dun lang pwedeng manigarilyo eh, minsan pag bagong sweldo nagkakape din naman ako dun, kaso mas madalas nakikiyosi lang, hindi ko naman masyadong nakakakwentuhan yung dalawang barista dun, nagpapaalam lang ako pag pasok ko kung pwedeng makiyosi, yun lang, hindi ko nga alam ang mga pangalan nila eh, pero si kuya Eugene naku impossibleng hindi niya to kabiruan, eh sa dami ng kaibigan nun kulang na lang tumakbo ng kapitan yun.

Nang nakita ako ni kuya Eug eh tumawid din siya ng nakangiti at papunta din sa coffee shop na tinatambayan ko.

“Eugene, hindi naman namamansin yung bago niyo diyan.” Parinig nung isang barista, yung medyo maliit dun sa dalawa. Lumingon ako at ngumiti sa kanya, napatingin din ako sa isang lalaking kasama niya na medyo mataas sa kanya at tsinito, eh nakatingin sa kin na para bang may kasalanan ako sa kanya.

“Hindi mo man lang ba kami pakikilala diyan Eug?” tanong ulit nito.

“Pare dito madalas yang alaga ko tapos ako ang kinukulit niyo ang hina niyo naman.” Pabirong sagot ni kuya Eug.

“Mukha kasing manunuwag pag kinausap mo” mahinang sabi nung tsinito.

Hindi pa din ako umiimik, pagkatapos ko magyosi, nakiinom pa ko ng tubig sa kanila, dun sa lalaking medyo maliit na makulit.

“Ryanne… Maria Anne Miranda, yun ang pangalan ko, kinagagalak kitang makilala” sabi ko sabay lahad ng kamay dun sa maliit na friendly naman kasi di kagaya ng kasama niyang halos isang guhit na lang ang mata sa pagkakasingkit habang nakatingin sa kin.

“Salamat sa tubig Aries” yun ang pangalan ng kasam nung tsinito.

“At ikaw naman tsinito…” patlang sabay irap na medyo nakangiti.

Lalong naningkit ang mga mata nito.

“Pwedeng magtanong?” bitin ko ditto

“Ano yon?” na pati ata kilay nagsalubong na sa gitna ng nakakunot nang noo.

“May utang ba ko sa’yo?” tanong ko dito na medyo nakangiti pa rin pero nakairap rin.

“Wala bakit?” Sagot-tanong nito na halata sa mukha ang pagtataka

“Eh bat ang sama mo makatingin na para bang ang tagal na nang utang ko sayo eh hindi ko pa nababayaran.” Sabay talikod dito at tumawid ako sa stall namin ng natatawang nailing.

Maya-maya naisipan kong bumalik dun, at bumili ng kape, nakiusap ako kay Aries tutal wala pa namang tao kasi sarado pa ang mall, kung pwedeng ihatid niya yung kape at pancakes sa stall namin may tatapusin pa kasi kong layout ng invitation sa kasal kaya gusto ko sana sa desk ko na lang magkape.

Sa coffee shop…

“Gusto ko sana sa desk ko nalang magkape, pwede mo bang ihatid hah Aries?” malanding ulit ni Santi sa sinabi ko bago ko umalis ay naulinigan ko yun nangingiti na lang ako sabay tanong sa sarili ko, ano kayang problema sa kin nun, insecure siguro mas maganda kasi ko sa kanya tseh, bading siguro.

“Pare, anong problema mo kay Ryanne, bakit sinusupladuhan mo siya?” tanong ni Aries kay Santi.

“Hindi pare, hindi ko siya sinusupladuhan, hindi lang ako kumportable sa dating niya, biruin mo talamak manigarilyo…”

“Woah!, grabe ka naman sa word mo talamak!”

“Oh eh bakit?, yosi sa umaga, brunch, lunch, merienda, dinner, sa bahay pa nila isipin mo naman…”

“O eh ano naman, apektado ka ba hah?”

“Ako na maghahatid ng kape niya…, malapit na magbukas ang mall mag grind ka ng beans para mamya…”

“Oo nah, o ayan na order niya, wag mo na kong utasan ng kung anu-ano kunwari ka pa, talamak sa yosi, hindi kumportable sa dating ha! Ewan ko sa’yo” tukso ni Aries dito habang inililipat sa kamay niya ang tray na order ko.

Sa C&M Habang abala sa pagsasayaw si kuya Eug ay naengganyo naman akong tumayo sandali at partneran siya maganda kasi yung tugtog family affair ni mary j blidge tutal thirty minutes before ten pa naman at bago magbukas ang mall ineenjoy muna namin yung natitirang oras namin kasi pag bukas ng mall busy na kami at ang pahinga ko na lang ay ang yosi break at breaktime.

Hindi ko naman inaasahan na makikisayaw samin ang cute na Tsinitong supladong ewan ko ba kung bakit naniningkot lalo ang mata pag nakikita ako, pero ngayon parang natunaw ang lahat ng makisayaw samin ni kuya Eug.

Ipinatong niya sa desk ko ang tray at isinayaw din ako tuloy para kaming tangang tatlo na pilit ginagawang dancefloor ang maliit na space sa stall namin, medyo nailang ako ng konti kaya dumistansiya muna ko, pag harap ko sa likod eh andun nga pala siya, papunta ko sa table ko kaya gumawi sa pwesto niya, nagbigay naman siya ng daan,

“Ang galing mo naman sumasayaw?” bulong niya.

“Santi…Santillian Sacramento” at naglahad din siya ng palad na tinanggap ko naman.

“Ryanne na lang” tipid na sagot ko.

“Sige Ryanne, balikan ko na lang yung tray at tasa, enjoy your latte” paalam nito.

“Thanks.”

“Mukhang masama ang tama sa’yo ng isang yun ah…” tukso ni kuya Eug.

“Tatamaan talaga sa kin yun kasi walang maple syrup tong pancakes na dineliver niya.” Sabay tayo at tawid sa coffee shop nila.

Dahil sarado pa ang mall at ako pa lang yata ang umorder sa kanila eh nakuha pang magtsismisan ng dalawang ito sa likod ng pinto na sa pagkakaalam ko eh nagsisilbing dirty kitchen nila, at siguro dahil hindi pa bukas ang mall ang akala nila eh wala pang papasok sa coffee shop nila. Kaya….

“Pare, si Ryanne, anong tingin mo sa kanya” boses yun nung tsinitong si Santi.

“Siguro mga 19 years old, slim na slim na nga lang payat eh…”

“Gago! May slim bang mataba…. Ibig kong sabihin bata panga siguro pero minsan kasi naririrnig ko parang may tinatawag na siyang anak, kaya siguro malaki ang balakang niya or I mean bagsak na din ang pwet niya, kasi may anak na siya, possible naman yun kahit bata eh diba? O kaya pare kasi kanina ang galing niyang sumayaw, gumigiling pare…”

“Oo, lagi naman yang sumasayaw diyan pag umaga nagulat nga ako nakisali ka pa.’

“Para siyang nagtatrabaho sa bar pare, base kung pano siya manamit, tingnan mo nga yung mini skirt niya as in mini…ang mga clogs, ang buhok di man siya mahilig sa make up pero di ba pansin mo?” takang tanong nito

Ang mga walang hiya pagtsismisan ba ko…at pati ang mga anak-anakan ko eh nadamay pa sa kalokohang ito, marami kasi kong naiwanang mga anak sa Makati sila yung mga kabataang hawak namin ni Mama, sila naman ang tinuturuan kong sumayaw, dancer kasi kami sa barangay namin kesa mapabarkada at maimpluwensiyahan ng masama eh ginigiya namin sa mga ganitong gawain ang mga kabataan, musika, sayaw, pagkanta, banda, pati mga games at liga. Minsan kasi tinatawagan ako ng pinakalider ng mga anak anakan ko na ngayon siya naman ang tumatayong ako, siya si Terri, dahil siya ang pinakapanganay sa kanila, siya din ang nagrereport sa akin nang mga nangyayari sa grupo nila at kung anu ano ang mga namiss ko, yung sumunod naman sa kanya si Dessa ay sa gitara ko naman sinasanay, medyo home buddy kasi pero sumasayaw din naman kaso mas maganda kasi ang bose niya kaya naengganyo siyang magaral ng gitara sa kanya ko nga iniwan ang gitara ko sa makati di ko na dinala sa laguna, meron din kasi dito si Boss. So ayon pala ang pinagkamalan pa kong pokpok nitong callboy na to, Sabagay ako din naman nung mga ilang araw at buwan ko dito napapansin ko kasi lapitin siya ng mga bakla, at tuwing hapon at gabi since coffee shop eh tambayan ng mga bakla eh para pang siyang nagpapatable at base din sa sayaw niya kanina malamang kaya niya inaamoy ang gaya ko kasi macho dancer siya at naghahanap lang siya ng karamay.

Nagulat ako ang gumalaw ang pinto palabas na ata sila, umatras ako ng konti hanggang makalabas sa coffee shop at bumalik din dito nakunwari eh parating pa lang ako.

“Oh, Rye? May problema ba sa kape?” tanong ni Aries ng nakangiti. Habang si Santi naman ay parang walang nakita.

“Hah! Ah oo… yung maple syrup baka pwedeng makahingi?” sabi ko na lang.

“Ahh ok sigeh saglit lang hah,” at inabot na sa kin ang isang maliit na plastic cup na may laman na maple syrup.

Buti na lang hindi nakahalata na narinig ko sila, nakakainis naman kasi kalalakeng tao tsismoso.

Ilang araw lang din naman ang nagdaan at nakikipagkwentuhan na din ako sa dalawang barista sa coffee shop kung saan madalas akong tumambay.

“Rye, sabi ni kuya Eug, kami daw ang magsabi sayo?” tanong ni Aries na medyo ikinalito ko.

“Ano yun?” litong tanong ko.

“Last day ko na kasi ngayon, nagbabawas ng tao tong coffee shop, baka pwede tayong mag-inuman sa apartment niyo mamaya sabado naman ngayon wala boss niyo” sabi nito.

“Pwede naman, pero ipapalam ko pa din kay boss yun, mabait naman yon kesa naman kami na lang lagi ni kuya Eug ang naglalasingan” nakangiting sabi ko.

“Teka lang diba dalawa lang kayong tao dito? Bakit magbabawas pa?” tanong ko ulit.

“Kasi tatapusin na lang yung contract nito sa mall na six months aalis kasi boss namin papuntang Canada walang pagiiwanan nang mga negosyo niya” paliwanag nito.

“Ahhh… so that means dalawang buwan na lang pala ang natitira dito sa shop niyo”

“Oo” mahinang sagot ni Santi, sa wakas nagsalita din.

“Ahh ok sigeh mamya na lang sabay-sabay tayong pumunta sa apartment.” Pagtatapos ko alas singko na nun alas otso pa ang sarado ng mall kaya may tatlong oras pa bago kami makapagjamming.

Nang gabing yon naawa naman ako kay Santi dahil mawawalan na siya ng kaisa-isang katsismisan sa shop mag iisa na siya, tahimik pero mukha namang palakaibigan ito, magalang at halatang may respeto sa kapwa, lahat kasi ng taong nakakasalumuha niya pag di niya close eh mam at sir at tawag niya kahit sa housekeeping ng mall o kahit sa nagtitinda ng candy at yosi sa labas ng mall. Nakasabay ko kasi one time nung bumili ako ng yosi eh bumili siya ng candy kaya naisip ko mukha namang mabait na bata tong isang to, totoy na totoy pa nga ang dating nito sa kin kasi mukhang inosenteng inosente.

Masaya naman ang jamming namin at hindi pa nga umuwi sila boss non, sa labas na ipinark ang kotse nila para mabigyan ng pwesto yung iinuman namin nakijamming sandali at nang mga bandang alas diyes na eh nagpaalam na din kasi sa makati pa sila uuwi ni mama. Friday to Sunday kasi umuuwi sila sa makati pero Monday to Thursday sa staffhouse din sila natutulog magbestfriend kasi yun. Simula nong jamming namin, tinutukso na nila ko kay Santi, ewan ko naman kung bakit at ano ang nakikita ng mga kasama ko at binubuyo nila ko dito.

“Rye, anong tingin mo kay Santi?” tanong ni Boss isang araw sa apartment nagdidinner kami nun.

“Wala naman po boss, maliban sa damin ng bading na nakapalibot sa kanya mukha siyang call boy at mukhang dating macho dancer eh wala naman masyado akong nakikitang espesyal sa kanya… Bakit po?” tanong ko din

“Wala lang kasi kung kay Meynard lang naman, parang mas gusto ko siya para sa’yo, mukha kasi siyang matino, hindi gaya ni Meynard na ni hindi makatingin ng diretso sa tao, mukhang rockistang ewan alam mo yon, iba talaga pakiramdam ko sa boyfriend mong yon.” Mahabang paliwanag nito.

Oo nga pala si Meynard, kumusta na kaya siya nong huling uwi ko hindi kami nagkita kasi hindi ako nakatawag sa kanya na uuwi ako, kaya hindi siya nagpunta sa bahay at hindi kami nagkita kinabukasan kasi hindi din ako tumawag na nasa makati ako, in short nakalimutan ko nga palang dapat ako pa pala ang magpaalala sa kanya ng schedule ko para hindi masayang ang oras niya kung pupunta sa bahay o hindi o kung andun ako o wala.

“Naku boss, hindi naman nanliligaw sa kin si Santi tsaka mukhang allergic sa mga dating ko yon boss, ayaw nun sa malaki ang balakang at laglag ang pwet at isa pa ayaw nun nang mukhang may anak na” sabi ko na lang

“Bakit sinabi niya ba yon sa yo?” tanong ni mama.

“Hindi, opinion ko lang kasi may nagsabi sa kin na ganun ang tingin niya sa kin sabi niya pa, para daw akong dancer sa club dati at mukha daw akong pokpok manamit” bigay liwanag ko naman nalalabuan kasi sila sa mga sinasabi ko pati nga ako nagtataka bakitko ba binibigyan ng importansiya ang mga sinabi sa kin non,ano naman ang paki ko kung ano ang tingin niya sa kin.

Araw-araw ganun pa din ang routine, ko minsan kasama na namin si Santi sa Bilyaran, pero hindi siya umiinom, hindi din nagyoyosi, nagtatry magyosi pero sabi ko wag niya nang subukan baka hindi niya malabasan.

Nakikipagkwentuhan na din si Santi sa kin kasi siguro wala na siyang makausap sa shop niya kaya pag andun ako, ako na lang ang kinekwentuhan niya, minsan may pumasok na babae dun na pamilyar sa kin ahh… sales lady to sa isang boutique sa mall na yun, at halatang type siya, minsan naman tindera ng mga stall na nagpapacharming sa kanya ang gumagawi dun.. ang sistema, tuwing pupunta dun ang mga admirer niya eh kakwentuhan naman niya ako, kaya naiirapan tuloy ako ng wala sa oras.

Naikwento na niya na galing siyang cebu, Highschool graduate at balak niya pang mag-aral pag nakatapos yung kapatid niyang babaeng sumunod sa kanya, tumutulong kasi siya sa pagpapaaral dun, isinakripisyo niya ang sariling kinabukasan para sa kapatid niya, kasi natakot na daw magpaaral ang magulang niya nang nabigo sa panganay nila. Kaya naman siya na mismo ang nagpumilit sa magulang nila na pag-aaralin sa college ang sumunod sa kanya.

Chapter 3

“Goodbye”

May mga lakad kami nila boss na kasama na namin si Santi. In short he belongs, lagi na din niya kaming hinahatid ni kuya Eug sa apartment, lagi na din naming kasalo sa dinner, lalo na ng nagbakasyon si boss sa Amerika kasama ang pamilya niya ng dalawang buwan, si mama ang namahala sa shop at hindi naman niya ito pinababayaan, okay lang din sa kanya ang pakikipagkaibigan ni Santi samin ni kuya Eug minsan nga sa apartment pa yon nakikitulog, kasi lagi siyang may baong extrang damit may uniform kasi sila nilalabhan niya lang yon sa gabi at sinusuot pag papasok na, pag sa apartment siya natutulog minsan naman humihiran kay kuya Eug ng pambahay, kaya tuloy lalo nila kong tinukso. Pero isa sa mga kasama ko sa Apartment ang parang may gusto din sa kanya at isa din sa mga kapitbahay namin ang nanliligaw din sa kin, nang ipakilala ko Victoria kay Santi isang gabing nag-iinuman kami, tuwang-tuwa ang bruha, at si James naman na kasalukuyan din naming kainuman eh hindi na din nakatiis na ipagtapat sa kin ang nararamdaman niya.

“Rye, pasensiyah ka na alam kong mabilis masyado kaso lang, gusto ko sana kahit bigyan mo ko ng konting panahon para makilala mo ko ng lubusan, hayaan mo kong ligawan ka” sabi nito sa harap nila Mama, kuya Eug, Santi at Victoria. Ako naman eh parang nabiglang natahimik nangangapa ng sasabihin, gwapo si James, matangkad, may katawan, ang problema lang maputi siya at ayoko ng maputi, kaya nga nagpa-tan ako kasi hate ko talaga ang mapuputi.

“Ahmm… James hindi naman kita sa pinagdadamutan ng pagkakataon kaso kaibigan lang ang pwede kong ioffer kasi may boyfriend akong naiwan sa Makati eh.” Paliwanag ko dito.

“Maghihintay akong maghiwalay kayo, pwede bang kahit manligaw lang muna ko, hindi naman kita pipiliting sagutin ako agad eh” nagsusumamong sabi nito.

“Kasi, mahirap yang hinihiling mo eh, ganito na lang pag wala na kami, ipaalam ko agad sayo, tapos bibigyan na kita ng chance na ligawan ako, pangit kasi yung nagpapaligaw ako habang may boyfriend ako eh.”

“Eh di, hiwalayan mo na.” madiing suhestiyon ni Santi.

Pinandilatan ko ito na para bang nagsasabing hindi ka nakakatulong manahimik ka.

“Oo, nga naman hiwalayan mo na, mahal mo pa ba siya, kahit malayo kayo sa isa’t isa” tanong ulit ng makulit na si James.

“Mahal na mahal James, Mahal na mahal ko siya.” Pagtatapos ko sa usapan.

“Sige, hindi na muna kita pipilitin ngayon sana lang bigyan mo ko ng pagkakataon.” Pagsuko nito.

“Rye, wala na tayong inumin at pulutan sagot ko, samahan mo na lang akong bumili diyan sa 24 hours na convenient store malapit lang naman yun dito eh.” Yaya ni James na hindi pa din tumitigil sa pangungulit.

“Ahh.. Rye, sama na ko bibili din kasi ng toothbrush di ko nadala toothbrush ko eh” singit naman ni Santi na halata namang nagdahilan lang.

“Ako rin, tatawag din kasi ko sa kapatid ko diyan sa BiƱan, may payphone kasi malapit sa bibilhan niyo eh.” Si Victoria, Isa pang nagdahilan, halata namang gusto ring makasama si Santi ng sarilinan, ang sistema tuloy ako at si James, si Santi at si Victoria. Habang naglalakad ng hawakan ni James ang kamay ko eh hindi na ko umangal para hindi mapahiya, pero nung aakbayan niya na ko eh bigla kong sinagawan ni Santi.

“Rye,!”

Napalingon ako dito, dahilan para mapigil ang pag-akbay niya sa kin nabitawan na naman niya ang kamay ko kaya tumalikod ako para tanungin kong anong problema ni Santi at tinawag ako. Nahuli kasi sila Victoria dahil nga gusto kong masolo ni James kaya medyo bumilis ang lakad niya at gusto ko ding mapagsolo si Santi at Victoria kaya sumabay na din ako ng lakad kay James.

“Rye! May dala ka bang pera?” tanong nito na pumantay sa amin kaya tinuloy na namin ang paglalakad.

“Meron bakit?” sagot ko.

“wala lang naitanong ko lang.” sabay balewalang hindi na umimik ngayon sabay-sabay na kaming naglalakad at narating na namin ang convenient store, nagpaiwan si Victoria sa labas at may tatawagan daw nga siya at yung dalawa sa loob ay namili na habang ako naghihintay malapit sa may cashier at maya maya eh lumabas na din at nagyosi sandali.

Nang gabing yon, sa apartment nga natulog si Santi, sa sala sa taas at katabi ko syempre hindi naman pumayag si kuya Eug na hindi siya kasama sa taas dahil nga nagkwekwentuhan pa kami hanggang doon, nagbubulungan kami ng tinutukso namin ni kuya Eug si Santi tungkol kay Victoria. Namumula naman sa inis tong isa.

“Ikaw na nga ang katabi kong kani-kanino mo pa ko tinutukso” bulong nito.

“Hindi ko naman alam na si Kuya Eug pala ang gusto mo” sabay hagikgik ko, kasi nasa gitna namin siya, ako, siya at si kuya Eug kaya akala ko si kuya Eug ang sinasabihan niya, napahalakhak naman si kuya Eug at nagpapungay pa ng mata. Lalo kaming nagtawanan, alam ko naman ang ibig sabihin non ayoko lang bigyan ng malisya baka kasi lasing lang siya at epekto lang ng alak yon.

Pag doon si Santi matutulog sama-sama kaming tatlo nila kuya Eug sa taas at tabi-tabi kaming tatlo wala malisya palibhasa sanay na din akong matulog minsan na kami lang ni kuya Eug. Para na kasi kaming magkapatid nito, natutulog na nga lang siya sa baba pag may dala siyang girlfriend niya at itinatabi niya sa folding bed niya sa baba.

Ilang beses na kong nakauwi sa makati at hindi pa rin kami nagkikita ni Meynard siguro mga tatlong beses na meaning tatlong linggo na din, hindi ko na din siya tinatawagan, dahil napagod na din akong bigyan siya ng importansiya gayong ako eh wala namang halaga sa kanya.

Isang beses, nanghingi ako ng leave sa C&M mula Wednesday to Friday, dahil uuwi si Mommy sa probinsiya sa Friday at gusto niya muna kong makasama bago siya umalis, tatlong linggo lang ito dun at pag balik niya aasikasuhin ko na ang paglipat niya sa Laguna.

Tuesday ng gabi ng lumuwas ako ng Makati, hinatid ako ni Santi sa sakayan ng Fx tinanong niya kung saan ako bumababa pag pauwi ako sa min sinagot ko siya kung saan ako bumababa at malapit ito sa isang gasoline station.

“Text ka pagandun ka na hah” sabi nito. “Yngat ka.” Paalam nito

“Sigeh ikaw din, yngat ka din” sagot dito.

Nakabili na ko ng second hand na cellphone at yun ang nagsisilbing communication namin ni Santi, pero, hindi ko pa din alam kung ano meron kami kasi ang alam ko may naiwan din siyang kasintahan sa Mindanao, at mahal na mahal niya rin ito gaya ng pagmamahal ko kay Meynard, siguro pareho lang kami ng sitwasyon kaya nagkakaintindihan kami pero hanggang ganun lang yon.

Miyerkules ng gabi ng nakarecieve ako ng text galing sa kanya ilan lang din kasi ang nakakalam ng number ko noon, si Santi, si Boss, si Mama, at si Mommy.

“Hi! Okay lang ba andito ko sa may caltex ngayon, pwede mo ba kong sunduin?” yun ang nag appear na message sa cellphone ko.

“Ok cege wait mo ko diyan.” At yun naman ang reply ko, medyo kabado ako ewan ko kung bakit, kasi naman ngayon lang ako ulit magdadala ng ibang lalaki sa bahay maliban kay Meynard.

“Kanina ka pa ba?” tanong ko paglapit ko sa kanya.

“Hindi pag text ko sa nasa ayala pa lang ako, nun kaya kabababa ko lang”

“O, anong ginagawa mo dito? Bakit mo naman naisipang bisitahin ako?” sabi ko habang naglalakad kami papunta sa bahay namin medyo malayo pa kasi yon kaya naisipan kong medyo mahabang kwentuhan to.

“Wala lang, hindi kasi ko sanay nang hindi kita nakikita sa shop niyo eh.”

“Parang kagabi lang hinatid mo pa ko”

“Oo nga, kanina wala kong kasabay kumain, tsaka hindi ako nakakalanghap ng usok ng yosi mo.”

“Ganun ba? ” naalala ko namang mag yosi kaya sumindi tuloy ako ng isa, di ko alam kung natetense lang ako o talagang kailangan ko lang ng yosi iba kasi ang pakiramdam ko.

“Naku, malamang hindi ka pa kumakain niyan, tamang tama kararating nga lang din namin ni Mommy nang nagtext ka bumili kasi kami ng ipapasalubong niya sa probinsya, sabay-sabay na tayong kumain.”

“Sige, salamat ha.”

“Saan?” tanong ko

“Kahit papano kasi may nakakausap akong kaibigan dito sa Maynila eh, tsaka may nakakasama ko pag malungkot ako” drama nito.

“May problema ba Santi?” tanong kong medyo nag aalala.

“Alam mo na naman ang problema ko diba, magsasara na ang shop isang buwan na lang, ibig sabihin non mawawalan na ko ng trabaho, eh hindi ako pwedeng umuwi sa cebu kasi wala naman akong mapapsukan dun na may malaki-laking sweldo graduating pa naman si Rio ngayon.” Rosario ang pangalan ng kapatid niyang tinutulungan niyang mag-aral sa Cebu at sa napipintong pagsara ng Shop problema nga yan.

“Ano ka ba, wag kang mag-alala tutulungan kitang makahanap ng bagong trabaho maraming trabaho sa Laguna, hindi ka mawawalan dun, marami ding kakilala si kuya Eug hindi ka pababayaan non.” Sabi ko na may halog pag-asa.

“Yan, ang gusto ko sayo eh, malakas ang loob mo, binibigyan mo ko ng pag-asa.” at nakita ko na naman siyang nakangiti.

Pagdating namin sa bahay, nakaluto na si Mommy ng ulam, nag-saing na kasi sila kuya Gino at si Ate Claire ang asawa nito.

“Mommy!” tawag ko

“Mommy!, si Santi, kasama ko sa Mall na pinapasukan ko, barista siya sa coffee shop sa tapat namin.” Pakilala ko dito. At naglahad siya ng kamay

“Oh, Hi, Maupo ka” sagot nito at inabot din naman ang kamay niya dito, nagbless si Santi sa Mommy.

“Kumain ka na ba?, sabayan mo na kami, kararating rating lang din namin eh” mahabang sabi nito, well for the very first time of the history ngayon lang nakipagkwentuhan si Mommy sa mga bumibisita sa king lalake, Hmmmm… mukhang gusto na talagang palitan ang Boyfriend ko at mukhang may manok na siya.

“Ah, opo nga nakwento na nga po ni Ryanne yun, Nay” naku! Nakinanay na.


”Maria Anne Miranda, baka gusto mo nang maghanda baka nagugutom na tong bisita mo.” Pukaw ni Mommy sa diwa ko habang nakatanga sa kanilang dalawa at napapantastikuhan dahil para silang matagal ng magkakilala gayong nagtatanungan pa lang naman sila at ngayon lang silang nagkita.

Ay Ano ba…maghain na nga ako nang makakain.

“Kuya Gino, kakain na po!” yaya ko sa mag-asawa.

“Sige na Rye, tapos na kami”

“A ok, Mommy, Santi” Tawag ko sa dalawang nagkaintindihan na.

“Cebuano pala to Rye.” Bigay impormasyon ni Mommy sa kin

“Oo nga po” tipid kong sagot “Bishop nga yan eh” dugtong ko.

“Anong Bishop?” tanong nito

BISayang hipHOP” sagot ko sabay ngiti.

Napangiti din siya, sus nawalan nanaman ng mata.

Pagkatapos naming kumain, si Mommy na ang nagprisintang maghugas.

“Sige na ako nang bahala dito, dun na kayo sa sala para naman mapag-isa na kayo” sabi nitong ikinalito ko na naman.

“Mommy, dalawa kami pano kami mapag-isa?” tanong kong namilosopo.

“Ibig kong sabihin magkasarilinan kayo” paliwanag nito

“Ay naku mommy, kaibigan ko lang to” sa tono kasi nito para namang binubugaw na ko.

“Ay naku marami kang sinsabi, sige na iwanan mo na yan diyan at ako na ang magliligpit niyan” at isa-isang inagaw sakin ang mga platong ipinagpapatong patong ko.

“Nay hayaan niyo na lang kami Ryanne dito, pwede naman kaming magkwentuhan habang naghuhugas kami, pahinga na po kayo, baka po kasi pagod na kayo eh.” How sweet…tseh… sa isip isip ko anong palabas to… ay naku hah …nalalabuan ako sa eksenang to.

“O sige kayo ang bahala, kung lalabas kayo dalhin mo na lang ang susi Ryanne, alas nuebe na naman matutulog na din ako, kung hindi na makakauwi si Santi dito mo na patulugin may folding bed sa sala may electricfan naman diyan kung gagabihin wag mo nang pauwiin” paulit ulit na sabi nito, naloko na, ano to kapatid ko sa labas, na pinapasok ng Mommy ko at dito na pinatulog, pag nakarating kay Meynard to lagot ako, Si Meynard! Hindi ko pa pala siya natatawagan.

“O sige na Mommy, good night I Love you” taboy ko dito.

“Parang botong boto Mommy mo sa kin hah” sabay taas ng dalwang kilay nito at ngingiti ngiti habang nagsasabon ng plato at ako naman ang nagbabanlaw eh nakasimangot na sa pangaalaska nito.

“Halatang ayaw talaga sa boyfriend mo, kaya gustong gusto nang palitan mo…”

“At ang akala mo ikaw ang ipapalit ko.”

“Hindi ako ang nag aakala niyan sila!”

Napagusapan namin ang mga plano niya sa buhay, ang relasyon niya kay Diane, kung bakit siya nandito at nakikipagusap sa kin ngayon, isa lang naman ang dahilan, isa ako sa makakatulong sa kanya para tumagal pa ang pagiistay niya dito sa Maynila, gusto niyang magtrabaho para di siya umuwi sa Cebu, gusto niyang makatulong sa pamilya niya at marami akong nalaman tungkol sa kanya. Ako din bilang isang open book na tao tutal isa na din siya sa mga pinagkakatiwalaan ko, ikwenento ko din ang lahat sa kanya hanggang sa magpaalam na din siya. Hinatid ko siya sa sakayan, kasama ang ilan sa mga kaibigan kong nadaanan ko sa labas na nakatambay delikado na din kasi tumawid sa overpass mag-isa tsaka madilim din kasi, dalawang lalake at isang babae ang kasama kong naghatid sa kanya, si E-R, ang cousin kong si Chie at si Geri ang isa sa mga Bestfriend ko.

“Sino yon, kapalit ni Meynard?” tanong ni Geri, nang makasakay na si Santi at pabalik na kami sa bahay, malisyosa talaga tong babaeng to, sabunutan ko kaya to, sabagay wala namang maniniwala kong sasabihin kong kaibigan ko lang yun sabihin showbiz masyado.

“Hindi pa naman” sagot ko.

“Ibig sabihin…” tanong naman ni E-R

“Mabuti na din yon te.. pero ikaw kung san ka masaya, bahala ka” malamig na bitaw naman ni chie.

“May problema chie?” tanong ko.

“Ayokong magsalita te, bahala ka kung ano ang gusto mo, buhay mo yan eh, at kung meron man akong nakita gusto ko ikaw mismo ang makakita ayoko nang sakin pa mangagaling, ayokong manira.” Mahabang sabi nito.

“Wag kang mag-alala matagal na din kaming walang communication ni kuya Meynard mo, pero rerespetuhin ko ang desisyon mong manahimik” sabi ko

“I-inom na lang natin to, Men,” suhesityon naman ni E-R.

Na sinangayunan din naming lahat.

Kinabukasan pumunta si Meynard sa bahay at as usual hindi man binabastos ni mommy to bihira naman niya itong kibuin.

“Kumusta ka na?” simula niya.

“Ayos lang” tipid kong sagot.

“Gusto mong umalis? Sa labas natin pag usapan to?” tanong niya

“Pagod na ko eh, dito na lang tayo mag-usap” matabang kong sagot siguro nga napapagod na kong magmahal lang nang magmahal gaya ng sabi nila sana bigyan ko din nang pansin kong mahal din ba ko nito, pero nung una nararamdaman ko naman yun eh kaso iba talaga ang nagagawa nang long distance relationship.

“Bakit hindi ka na tumatawag? Ni hindi ako nakakatanggap ng tawag tuwing bago ka magdayoff kaya hindi ako makapunta dito kasi baka wala ka, hindi ka nakauwi, hindi na ko nakakatanggap ng text mo, ang tagal tuloy nating hindi nagkita” tanong nito

“Ikaw? bakit kahit kelan hindi mo ko tinawagan? Bakit hindi mo man lang ako puntahan kahit isang beses magtatatlong buwan na ko dun ni hindi mo ko binibisita, ni hindi mo ko nirereplayan sa mga text ko sayo….” Naputol ang sasabihin ko ng biglang may magtext sa kanya. Hindi niya ito nirereplayan kaya siguro mayamaya ay tumawag na, hindi din niya sinagot, kinutuban na ko ng hindi maganda pero pinabayaan ko siya.

“Sagutin mo, pwede ka namang lumabas muna eh, kung ayaw mong marinig ko kung ano ang pag-uusapan niyo.” sabi kong nakangiting nakairap.

“Hindi na si Mark lang yon” kuya niya ang tinutukoy niya as if naman.

Pero hindi tumigil sa katutunog ang cellphone niya hanggang sa nainis na ko.

“Look, kung hindi mo sasagutin yan hindi din tayo makakpagusap ng maayos kung naiistorbo kita o kayo sabihin mo na lang sa kin kasi gaya nga nang sabi ko kanina pagod na ko.” Mahabang sabi ko.

Nakita kong in-off niya ang cellphone at humarap sa kin.

“Pagod ka na? Kelan pa? kelan mo pa ko hinanapan ng butas?, kelan mo pa ko hindi inintindi, kelan mo pa narealize na hindi mo na ko mahal, at napagod ka nang mahalin ako? Kelan pa?” mariing tanong nito.

“Nung narealize ko na hindi tayo nakakapag-usap kung hindi ako ang tatawag sa’yo, na hindi tayo nagkikita kung hindi ako ang uuwi dito, na hindi tayo magwo-work kung hindi ako gagawa ng paraan, nung narealize ko na ako na lang pala ang nagmamahal, ngayon alam ko na kung bakit takot ka sa long distance, kasi hindi mo kaya yung mga ganong responsibilities, hindi mo kayang mag-effort para sa isang katulad ko lang, Fine, now this is it.” Pagtatapos ko sabay tayo.

“Teka lang, hindi mo ba man lang pakikinggan ang paliwanag ko…” sabay pigil ang kamay ko pinaupo niya ko ulit sa tabi niya.

“Sigeh” bulong ko

“Nag-aaral ako, nate-training, nagta-trabaho, hindi ko na nga alam kung pano ko hahatiin ang katawaan ko…”

“Meynard isa lang…” putol ko

“Isa lang ang pwedeng makapigil nito… kung papayag ka sa kondisyon ko handa kong bigyan ka nang pagkakataong magpaliwanag tungkol dun, kuha mo” bitaw ko, kakaiba pero yung ang saloobin ko.

Masama talaga ang kutob ko kaya niyaya ko siya sa labas kung saan may sakayan ng dyip pauwi sa kanila, bihira dumaan ang dyip dun kaya bago pa may dumaan alam kong tapos na din kaming mag-usap.

“Ano yon?” tanong nito

“Ipapakita mo sa kin ang inbox ng cellphone mo, promise bibigyan kita ng pagkakataong magpaliwanag tungkol sa matutuklasan ko, pero nasa sa’yo pa din ang desisyon, kung hindi mo papakita ang inbox ng cellphone mo tapusin na natin to.”

Binuksan niya ang cellphone niya at inabot sa kin.

“Promise, hindi ka magagalit, at bibigyan mo ko ng pagkakataong magpaliwanag hah” paninigurado nito, mukhang may mahuhuli nga ako.

Pagbukas ko ito ang nakita ko.

“I love you…”

“I miss you…”

“Asan ka na babe! hindi mo sinasagot yung cellphone mo, nakauwi ka na ba I love.. I miss you… Janine”

Napatango ako habang binabasa ko ang message at ngumiti, ibinalik ko ang cellphone niya sa kanya.

“Pwede na ba kong magpaliwanag” tanong nito na medyo nag-aalala.

“Sigeh, pero kahit anong paliwanag mo, maliwanag na sa kin ang lahat Meynard, hindi mo na kailangang bilugin ang ulo ko, at wag ka nang magsayang ng oras mo gabi na.” Pagtatapos ko sabay para sa paparating na jeep na pauwi sa kanila, nahiya namang hindi siya sumakay kasi pinara ko kaya tumingin lang siya sa kin, nasa mga mata niya ang nagsusumamong pakinggang ko siya, pero malapit na kong umiyak kaya tinapik ko siya sa braso.

“Goodbye Meynard… I love you… but this is over now….you take care ok…

Goodbye..” bulong ko dito habang pasakay na siya ng jeep.


Chapter 4

“First Time”

Kasabay nang paglayo ng jeep ang pagbagsak ng luha ko, nakayuko ako’t halos dumugo ang labi ko sa pagkakakagat ko, ang sakit sakit parang dinukot niya ang puso ko’t kasama niyang lumayo, para kong namanhid, para kong naglalakad sa kawalan, at sukat dun ay may nabunggo ako, nagsorry ako pero hindi ako nag-angat ng mukha, at hindi siya umalis sa harap ko hinintay ko siyang magbigay ng daan o ako na lang ang liliko pero nabigla ko ng may inabot siya saking panyo. Nag-angat ako ng mukha.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong kong nabigla habang pinupunasan ang luha ko.

“Kanina pa ko dito nakaupo ko dun sa tindahan kasi sabi nung tambay diyan sa papasok sa inyo may bisita ka na daw, yun yata yung boyfriend mo, sabi niya. Eh ayoko namang makaistorbo kaya tumambay muna ko dun tapos nung lumabas na kayo sinundan ko din kayo pero malayo ako yung hindi mo ko napapansin gusto ko lang makasiguro na ok ka lang tapos nakita na kitang yumuko at parang di ka na makalakad nang maayos.” Mahabang paliwanag nito habang pabalik na kami sa bahay.

“Gusto mo bang pagusapan o gusto mo munang magpahinga, hintayin na lang kita sa Laguna bukas, uuwi ka na naman dun pagkahatid mo sa Mommy mo sa terminal diba?” nakakaintinding sabi nito.

“Sige, magkita na lang tayo bukas, ayoko ko ding bigyan si Mommy ng alalahanin, bago pumunta sa probinsiya. Ayokong makita niya na naman akong ganito.” Sabi ko na lang sa pagitan ng paghikbi.

“Oh, tahan na bukas na natin pag-usapan yan, magpahinga ka na, baka magtaka mommy mo pag nakita kang ganyan.” Sabi nito habang pinupusan niya ang luha ko.

“Hindi na kita maihahatid, ayos lang ba? O gusto mo pahatid na kita kila E-R at Chie…”

“Ayos lang ako wag mo kong alalahanin, ikaw ang umayos kasi baka kung ano isipin ng mga tao dito sa inyo matsismis ka pa, baka malaman pa ng mommy mo tong nangyari ngayong gabi.” Maamong sabi nito.

“Salamat, Santi ha… teka kumain ka na ba?” nagaalalang tanong ko, malamang kasi paglabas niya sa shop nila eh dumiretso na siya dito.

“Oo, kumain na ko sa carindenria diyan pag dating ko at nalaman ko ngang may bisita ka, o andito na tayo sa bahay niyo, magpahinga ka na hah” sabi nito habang hinahawi ang buhok kong nakatakip sa mukha sa pagkakayuko ko.

Nahihirapan akong itago ang nararamdaman ko pero kailangan palabasin ko sa Mommy kong ayos lang ang lahat at walang hindi magandang nangyari ngayong gabi.

Pagpasok ko sa bahay, tahimik na, malamang tulog na silang lahat. Kaya maingat akong pumasok sa kwarto namin ng Mommy ko para hindi ko na siya magising at maistorbo sa pagpapahinga niya napagod kasi ito sa pageempake. Kinabukasan pagkahatid ko sa kanya bandang alas diyes ng umaga sa terminal, ay binilhan ko ito ng babauning makakain sa biyahe, maliban kasi sa kaning isinaing ko at ulam na niluto ko para baunin niya, binilhan ko din siya ng mangunguya para habang bumibiyahe siya ay hindi siya mabagot mahaba-haba kasi ang biyahe mula maynila hanggang samar.

Pagkaalis ng bus na sinasakya ng Mommy ko, bitbit ang isang sports bag na may lamang damit at iba ko pang gamit binagtas ko ang daan papunta naman sa sakayan ng bus pa-laguna.

Sa bus hindi ko maiwasang maluha at naalala ko naman ang nangyari sa mi ni Meynard, hindi ko maintindihan nangyari din ang kinatatakutan niyang mangyari na maliwanag din na siya ang naging dahilan kung bakit basta na lang nabasura ang dalawang taon naming pinagsamahan.

Sa pamamagitan ng sunglasses na tinted hindi naman nakikita ng ibang pasahero na sa likod ng panyong nakatakip din sa mukha ko ay mga luhang nahihiyang magpakita, ramdam ko ang kirot sa dibdib ko, masakit para sa kin ang nangyari dahil mahal na mahal ko siya at halos igive-up ko lahat para sa kanya, halos itakwil ako ng Mommy ko noon, at marami talagang hindi siya matanggap para sa kin, samantalang kung alam lang nila, isang matinong tao pa rin si Meynard na tinanggap ang buong pagkatao ko, ahh basta ang alam ko noon mahal na mahal niya ko.

“Matino at mahal na mahal ka kamo? Oi, Maria Anne Miranda naririnig mo ba ang sinasabi mo.” Tanong ni boss habang nag uusap kami tungkol sa nangyari, lunchtime na kasi nang dumating ako sa laguna at dumaan muna ko sa shop bago umuwi sa apartment kaya sabay kaming kumain nila Boss, Mama at Santi, halatang pinagagalitan na ko ni Boss, isa na rin kasi siya sa matalik kong kaibigan dahil bukod sa sinusuportahan niya ako hindi na din ako iba sa kanya kasama na dun ang dahilang magbestfriend sila ni mama,

“Eh, boss baka nagkulang nga naman ako, dapat binigyan ko nga siya ng chance….”

“Tumigil ka na nga… hibang ka na…” mariing sabi nitong naasar na din kasi sa kabila nang nangyari imbes na magalit ako kay Meynard eh para bang iniintidi ko pa rin ito.

“Hayaan niyo siya Boss, marerealize niya din na tama ang ginawa niya, isa pa wala namang masama kung isipin niya ang gusto niyang isipin ngayon nasasaktan siya pero nagbubulagbulagan naman” iiling iling na sabad naman ni Santi mahinahon pa rin.

“Brix tama na, wag mo na munang pagalitan yung bata, baka magngangawa naman yan dito” pigil ni mama sa bestfriend niya, alam niya kasing hindi din patatalo to sa opinion niya lalo’t naiinis to sa exboyfriend ko na ngayong si Meynard.

“Buti nga, nakayanan mo nang makipagkalas sa kanya, Naku Ryanne hah, baka mamya mo niyan mabalitaan ko na lang na nakipagbalikan ka diyan, tutuluyan na kitang bulagin o kaya pupukpukin ko yang ulo mo nang mabasag na yang helmet na kinabit diyan ng boyfriend mo” pagtatapos nito.

Wala kasi silang alam eh, hindi naman nila ko naiintindihan, kasi akala ko si Meynard lang ang nakakaintindi sa lahat ng pinagdaanan ko, siya lang ang nakakaunawa kung bakit mahal na mahal ko siya, dahil alam kong siya na lang ang tatanggap sa kin, pag nalaman kasi ng ibang lalaki ang mga naranasan ko baka hindi lang nila ko lokohin baka gamitin lang nila ko.

Pagkatapos naming kumain nagpaalam na kong uuwi sa apartment, inabutan ako ni Boss ng pera at inutusan bumili ng maiinom, lunurin ko daw ang sarili ko sa alak para pagnahimasmasan ako eh tapos ang pagdurusa ko ngayon lang daw tong nararamdaman ko lilipas din daw to susunod daw sila mamyang hapon, magluto na din daw ako ng pupulutanin.

“Boss, hintayin ko na lang po kayo sa bahay para sabay-sabay na tayong uminom, matutulog muna ko sandali para makapaghinga pakiramdam ko pagod na pagod ako eh.” Sabi ko dito wala naman akong balak maglasing mag-isa mas nakakadepressed yon, gusto lang umiyak ng umiyak ng mga sandaling yon, nakaalalay sa likod ko si Santi, nagpaalam din siya sa administration ng mall na maghahalfday ang shop nila.

“Doon na muna ko sa apartment boss, sasamahan ko na muna si Ryanne…”

“Wag na ano ka ba ayokong maabala ang trabaho mo…” putol ko sa pagpapalam nito kay boss.

“Hayaan mo siya, Ryanne, para may kasama ka baka maglason ka dun naku mahirap na…” biro naman ni kuya Eug na nakikinig pala sa usapan nasa shop na kami ng C&M nakabili na din ako nang inumin at pupulatanin kinukuha ko na lang yung bag ko magpapaalam na ko nang lumapit si Santi at sinabi ngang sasamahan na niya ko sa apartment. Hindi naman tumutol si boss at sinangayunan ang pagbibiro ni kuya Eug.

“Sige na Santi, bantayan mo yan baka magbigti” biro din nito sabay kindat sa kin.

“Ako na magdadala ng bag mo tsaka ng mga pinamili mo, baka nanghihina ka pa…”

“Ano ka ba, bangag ka din ata gaya nila kung anu-ano pinag iisip niyo, nakipagbreak lang ako kay Meynard noh hindi ako namatayan…” biro ko din dito pakiramdam ko kasi may bumabalot na tension sa pagitan namin nahihiya na tuloy ako sa kanya.

“Oh siyah, wag ka nang magalit lika sumakay na tayo ng tricycle” sabi nito habang inaalalayan ako palabas ng mall.

“Bakit hindi na lang tayo maglakad?” tanong ko dito.

“Mainit, okay lang ba sa’yo?”

“Oo nga noh” sang-ayon ko sanay kasi akong umaga naglalakad papasok at sa gabi naglalakad pauwi nakalimutan kong tanghaling tapat nga pala nun mainit.

Pagdating sa apartment inayos namin ang mga pinamili, inilgay sa ref ang mga iihawing pulutan, at uulamin sa hapunan, pinalamig din ang iinumin para mamya mas masarap ang inuman.

“Ryanne, pwede ba kitang samahan diyan sa taas?” atubiling tanong nito.

“Oo naman, ano ka ba, pumunta ka ba dito para buruhin ang sarili mo diyan sa baba, lika na, akina na yang bag ko.” Yaya ko dito.

“Ako na, mabigat nga to, kaya hindi ka lumalaki eh, buhat ka ng buhat ng mabigat” pang-aasar pa nito sabay ngiti, at nag isang guhit na naman ang mata nito.

“Oh walang iyakan hah buti pa buksan mo na lang yang tv para makapagrelax ka.” Suhestiyon nito.

“Wag na lang, yan saglit lang” inilagay ko ang bag sa ibabaw ng cabinet ko at bumaba.

Pagakyat ko may dala na kong anim na bote ng beer na nakaplastic bag, malamig pa yun dahil nasa ref, natira yun nung huling nag inuman kami kasi gin at grenadine ang iinumin namin mamaya, nakareceive ako ng text ni Boss na alas otso na lang daw sila uuwi hihintayin na nilang magsarado ang mall total naman daw may kasama na ko dito sa bahay hindi na sila mag-aalala.

“O, ang aga naman n’yan” tanong nitong nakangiti

“Magrerelax tayo.” Sagot ko habang inaayos sa mesa ang ashtray kaha ng yosi at lighter, ginitna namin muna yung mesang nasa gilid tutal naman sa sofa kami uupo para medyo relaxing talaga.

Nagsindi ako ng yosi, habang binubuksan niya ang dalawang bote ng beer. Nagkwentuhan kami at medyo natabunan ang problema ko nang mag open siya sa kin nang panibago niyang problema.

“Ryanne pasensiya ka na kung sayo ko sasabihin tong problema ko ha, wala lang talaga kong ibang pwedeng sabihan eh. Okay lang ba alam ko may problema ka rin ngayon pero baka makatulong ako para makalimutan saglit yung sakit nang nararamdama mo ngayon.” Sabi nito, hindi pa siya lasing niyan ah…

“Ano daw?” sabi ko “pakiulit mo nga, may problema ka, may problema ako, tapos gusto mo kong tulungan na makalimutan saglit ang problema ko, dahil sasapawan ng pagsasabi mo ng problema mo sa kin” naku pati ako nakandalito lito na.

“Alam ko kasing mabibigla ka, sa sasabihin ko, tsaka sayo na ko hihingi ng tulong tungkol dito.” Paliwanag nito, pero hindi naman ako naliwanagan.

“Sandali lang, o magyosi ka muna at naguguluhan talaga ko, okay diyan ka lang” tumayo ako at kumha ng gitara. Nagsimula akong tumipa pag kaupo ko

“May compose ako ng kanta medyo corny pero pakinggan mo ha, kasi nacompose ko para dun sa isang anak-anakan ko nainlove sa bestfriend niya na hindi tumatalo ng kaibigan kaya bigo siya” sabi ko himithit muna ko ng yosi at nagsimula.

Kay sarap mong kasama

Di bat kay saya

Kapag ikaw ay nakikita

Buo na ang umaga

At kahit na nakapikit ang aking mga mata

Ikaw pa rin ang nakikita

Kahit magkasama na tayong dalawa

Ay para bang kay layo mo pa rin sinta

At kahit hawak ko na ang iyong mga kamay

Ay para bang tayo’y magkahiwalay

Kasi kaibigan ko…. Mahirap ang ganito
Di mo ba napapansin

Ang kislap ng mata sa tuwing naglalambing

Di mo ba napupuna na

Ang kislap ng mata sa tuwing magkasama
* Mahirap ang umasa sayo ohh..

Dahil sa alam kong hindi pwede tayo

Ngunit ano ang gagawin ng puso kong

May lihim na pagtingin.

Hindi ko napansin na tumutulo na din ang luha ko habang kumakanta ko, nataranta siya nang makitang umiiyak ako, pinusan niya ang luha ko at tumabi sa kin.

“Okay ka lang ba?” nag aalalang tanong nito.

“Oo, pasensiyah ka na naging emosyonal ako hah” hinging dispensa dito.

“Ano ka ba wala yon, maganda, medyo wala na nga lang pag asa yung magkaibigan sa kanta mo.” Maikling komento nito.

“O sige nah, ano ba ang problema mo, nakahanda na kong makinig” habang inaayos ko ang sarili at medyo dumistansiya dito, medyo nakainom na kami pareho kaya medyo manhid na din ang katawan ko may tama na ng alak ang katawan ko kasi nakakatatlo na pala ako habang siya ay isa pa lang namumula na siya, hindi nga pala siya sanay uminom naalala ko.

“Ryanne, bukod kasi sa mawawalan na ko ng trabaho, mawawalan na rin ako ng tirahan kasi bibitawan na din ng amo ko yung apartment namin sa alabang, yung huling sweldo ko at suswelduhin sa susunod na buwan binigay na ng amo ko, at ipinadala ko na yun sa cebu kasi bayaran ng tuition fee ni Rosario sa susunod na buwan, may natira ko ditong pang allowance, pangkain at pamasahe, pero pang upa para sa bagong titirhan mukhang hindi aabutin…”

“Ganun ba, baka pwede ka muna dito sa apartment, tutal lilipat ako sa susunod na buwan baka pwede ka munang makitira dito habang wala ka pang matutuluyan, hahanapan ko kasi ng bahay si Mommy dito at sasama na ko sa kanyang tumira para hindi nakami magkalayo alam mo namang dadalawa lang kami non eh” putol ko sa sinsabi niya “Tsaka kung pera lang pwede ka naming pahiramin ni Kuya Eug kung yun ang problema mo.”

“Pero hindi ako pwedeng umasa lang sa inyo, may mga nag-aalok sa kin…” putol nito na para bang nahirapang ituloy kung anu man ang sasabihin nito.

“Ano trabaho? Eh kung okay naman bakit hindi mo subukan…” suhesiyong ko.

“Hindi nga trabaho eh, relasyon,” napaawang ang labi ko, sino? Sa isip isip ko.

“Marami akong nakilalang bading sa coffee shop at karamihan dun nag aalok na ibabahay ako, susuportahan, bibigyan ng magandang buhay, trabaho at kung anu ano pang pangako” seryosong sabi nitong hindi ngumingiti pero naniningkit na naman ang mata na halatang naiinis.

“Hah!” sagot kong nakabitin sa ere ang bibig ko natulala ako ng konti hanggang nagsalita siya ulit.

“Ang problema Rye, nakakahiya mang aminin pero wala pa kong karanasan, at sana kung papatusin ko man yung alok nila, sana ang una kong karanasan ay sa babae.” Sinundan yun nang buntong hininga.

“Ano? Ahahahahha” natawa talaga ako dun sa huling sinabi niya tawa ako ng tawa na halos hindi ako tumigil hanggang sa sumakit na ang tiyan ko katatawa.

“Ay, sorry, hindi ko pinagtatawanan yung karanasan mo or whatever hah, nabigla lang ako kasi parang ang problema mo eh hindi ka pa nakakatikim ng babae.” Sabi ko na nangingiti pa rin.

“Ako, gusto mo bang ako na lang ang first time mo?” seryosong tanong ko pero nakangiti pa rin

“Hindi ako nagbibiro willing akong maging first time mo kong gusto mo, pero sa isang kondisyon hindi ka papatol sa mga bading na nagaalok sayo maraming paraan diyan, pero sa ngayon let me solve the problem of your first time first.” Sabi ko sabay lapit sa kanya.

Tinitigan niya muna ko waring binabasa kung seryoso nga ako sa balak kong gawin sa kanya.

Natatawa ako habang pinagmamasdan ko ang mukha niya para siyang dagang nahuli ng pusa, kaya tumigil muna ko sa paglapit ko sa kanya.

Nagsindi ako ulit ng yosi at nagbukas ng pang apat na bote ng beer samantalang siya eh nangangalahati pa lang ang beer niya pero pulang pula at ang init init na ng singaw ng katawan niya God! Ano ba to kinse anyos. Sabagay diseotso lang ang totoy na to habang ako ay disenuebe na.

Humithit ako ng yosi, lumagok ng alak at nagbukas ng chewing gum.

“Ano ok ka na ba? Simulan ko na?” sabi ko ditong parang nanunukso, ewan ko kung bakit nakalimutan ko nga naman saglit ang problema ko nang sabihin nga niya kung ano ang problema niya ng mga sandaling yon wala kong gustong gawin kundi lutasin ang isa sa mga problema niya.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya, naamoy ko ang alak na galing sa hininga niya na lalong nagpainit sa tanghaling yon, hinalikan ko siya ng dahan dahan hanggang sa gumanti na din siya ng halik, awtomatikong gumalaw ang kamay ko mula sa batok niya at yumakap sa likod niya habang siya ay parang nanigas sa pagkakaupo niya sa sofa, unti unti kong binababa ang kamay ko hanggang sa laylayan ng damit niya, at itinaas ito upang mahubad habang magkhinang pa rin ang labi namin, saglit na naputol yun ng nahubad ang damit niya, at muli ko siyang hinalikan habang tinatanggal ko ang butones ng pantalon niya, unti unti kong binaba ang pantalon niya at kusa na din siyang gumalaw para mahubad na rin ito ng tuluyan, gumalaw na din ang kamay niya at dahan dahan akong hinubaran ng blusa, tinanggal niya na rin ang zipper ng miniskirt ko at hinubad yon. Binaba ko ang labi ko sa leeg niya dahilan upang mahawakan niya ang buhok ko, gumapang na din ang kamay niya sa dibdib ko na lalong nagpainit ng sistema ko ng mga sandaling yon, nang nasa dibdib niya na ko at nilaro ng kamay ko ang nagwawala na niyang maselan sa baba, unti unti ko nang hinubad ang natitira niyang suot. Bumaba pa ko, hanggang sa marating ko ang nais kong marating, napaliyad siya at napahiga ng tuluyan sa sofa, nilaro ko ng dila ko ang full grown naman talaga at mayabang na nagmamalaki, nang hindi na din siya makapagpigil ay nagiba kami ng posisyon at ako naman ang hinalikan niya, at natuto naman agad ang estudyante ko, magaling, bumababa ang labi niya sa leeg ko hanggang sa dumako na siya sa dibdib ko na hindi naman kalakihan, at hanggang puson lang ang inabot niya dahil pinigilan ko na siya hindi siya pwede don sagrado yon, kaya unit unti siyang umangat at humanda, nang ipapasok na niya ay bahagya akong kinabahan pero saglit lang, kasi medyo makirot din ang pagpasok niya sa kin at napangiwi ako, pero sandali lang din ang sakit na yon dahil luwalhati na ang sumunod, hindi matatawaran ang sarap na dinulot nang tagpong iyon hanggang sabay naming inabot ang langit. Pagkatapos non naramdaman ko ang pag-iyak niya na ikinahlakhak ko na naman.

“Sorry hah, pasensiyah ka na pati tuloy ikaw nadamay sa kalokohang ito.” Mahinang hingi niya ng paumanhin.

“Ano ka ba hindi ba dapat ako ang mag sorry kasi nadivirginize kita” sabi ko sa pagitan ng halakhak, isa isa kong dinampot ang mga damit ko at nagsimula ng magbihis, siya din maliban sa tshirt niya na hindi na niya pinagaksyahang isuot mainit daw.

“Bakit ka umiiyak?” sabi ko na natatawa pa rin.

“Kasi, naisip ko parang mali ata na ikaw pa ang nagsakripisyo para lang madivirginize ako” sabi nitong nahihiya at kumuha din ng yosi at nagsindi.

“Ano ka ba wala yon.”

Pagkatapos naming uminom na para bang ako lang ang uminom ay niligpit namin ang mga kalat at itabi na ulit ang mesa sa gilid inayos ang sofa bed para makahiga kami ng maayos, nakatulog kami siguro sa kalasingan at pagod na din dala ng nangyari sa min.

Mag aalas siete ng maggising ako, nagsaing at naligo ako ulit, ginising ko siya pinag ayos ko ng sarili, nagkakailangan man hindi ko na pinansin yon, sinabi ko sa kanyang isa lang yong magandang panaginip.

Naligo din siya at nag ayos kaya naman nang dumating sila Boss wala naman nagduda dahil maayos ang bahay at pati kami ay mukhang maayos naman na din.

Balik sa normal ang lahat nang magumpisa kaming mag-inuman at nakalkal naman ang problemang pilit kong tinatakasan.


Chapter 5

“Bitch”

Kinabukasan back to normal routine, maaga nasa mall na kami, nag aayos, naglilinis, pero hindi ko maiwasang malungkot at halata yon sa mukha ko, Buti na lang maagang dumating si Ritch isa siya sa mga close ko sa shop dahil pareho kaming kaibigan ni mama, at taga makati din siya, kaya naiopen ko sa kanya ang nangyari sa min ni Santi.

“Ritch ahmm… may sasabihin ako sa’yo wag kang masyadong magfre-freak out hah… may nanagyari sa min ni Santi…” mahinang sabi ko dito.

Namilog ang mga mata nito. Pero kalmadong sumagot.

“O, akala ko ba kabe-break mo lang kay Meynard eh bakit…?, hala ka, nakakaawa naman si Santi siya pa ang pinagbalingan mo, adik ka talaga.” Mahabang sabi nito.

“Ano ka ba kung alam mo lang ang buong kwento pero tama nang alam mong may nangyari sa min, wag mo na lang sabihin kila Boss ha nakakahiya yon”

“Anong nakakahiya dun eh mukhang boto naman sila kay Santi para sa yo” sagot nito.

“Ahh basta, hindi pa ko nakakarecover kay Meynard.” Pagtatapos ko sa usapan.

Pero simula lang pala yon, kasi mula noong may nangyari sa min, hinahatid na niya ko gabi-gabi sa apartment, at mas madalas na din siyang matulog dun, at hindi na din tumatabi sa min si kuya Eug mukhang may alam na din hmmm….

Hindi din iisang beses na naulit ang nangyari sa min, hindi ko alam kong magka-anu-ano na ba kami, naloloka na nga din ako sa kaiisip kasi wala naman pala kaming relasyon tapos may nangyayari sa min, hindi naman siya nanliligaw.

Isang gabi nagulat ako nang biglang sumulpot si James sa shop.

“Ryanne, baka pwede na kitang ihatid ngayong wala ka nang boyfriend?” diretsahang sabi nito, uwian na nun, at hindi lang yon ang araw na nakikita ko si James sa mall, halos araw-araw ata nandito yon, kaya sinadyang lapitan ako ngayong habang nagsasara ng shop si Santi,

“Sinong nagsabing, wala siyang boyfriend?” sabat ni Santi na nasa likod na pala ni James.

“Pare, alam kong hindi pa siya handang magkaboyfriend ngayon, kaya wag mo na kong gaguhin, dahil tulad ko, nililigawan mo pa lang din siya.” Mahabang sabi ni James.

“O Sige,” sagot naman ni Santi na sinabayan ng buntong hininga.

“Para sa’yong kaalaman, nakipagbreak siya sa boyfriend niya sa makati dahil sa kin. At kung akala mong nililigawan ko pa lang siya, eh, nagkakamali ka dahil kami na mula nang bumalik siya dito galing makati.” Paliwanag nito.

Nabitin sa ere ang sasabihin ko na sana na nakalimutan ko na rin sa haba ng diskusyunan nilang dalawa, ang haba talaga ng buhok ko nakakaloka.

“Hindi ako naniniwala sa’yo, hindi ganon kabilis yon,” sabi ni james na hindi pa rin naniniwala at nilapitan akong nagbabanta ang tingin.

“Rye, gusto kong malaman ang totoo” sabi nitong sakin nakatingin at magkasalubong na ang kilay.

“Ahmmm…. James, kasi,ano eh,” hindi ko masabi kasi hindi ko din alam kung ano nga din ba ang totoo nalilito talaga ko.

“Pare, ayaw ka niyang masaktan…” salag ni Santi sa sasabihin ko.

“Wag ka nga munang sumabat.. hindi naman ikaw ang tinatanong ko… baka ikaw ang masaktan pag hindi ka tumigil.” Putol ni James sa sasabihin ni Santi na medyo napalakas ng konti ang boses kaya naglingunan din ang mga dumadaang pauwi na ding mga staff sa mall na yon.

“James, baka pwedeng sa bahay niyo na pag-usapan ni Ryan ang problema niyo, nakakahiya na kasi dito, dun mo na lang siya puntahan, ihahatid naman siya ng boyfriend niya, sumunod ka na lang siguro dun, kasi baka isabay ko na din sila pauwi sa apartment kasi may dadaanan akong gamit dun.” Sabat ni boss sa usapan mukhang naiintidihang may tensyong namamagitan. Pauwi kasi sila ng makati ni mama at alam kong nagdahilan lang yon para hindi masyadong lumaki pa ang gulo.

“Sige, boss pasensiyah na hah, Ryanne pwede ba kitang kausapin sa bahay niyo mamaya.” Kalmado nang tanong nito.

“Ha?,… Oo,… sige,.. para maliwanagan na din to, pasensiya ka na James hah, medyo mabilis lang talaga ang mga pangyayari eh.” Hinging dispensa ko dito.

Kinuha na ni Santi ang bag ko na nakasabit sa balikat ko, at inakbayan ako, sumunod na kami kila boss na pababa ng basement dahil doon nakapark ang kotse ni boss, kasunod namin si kuya Eug na sasabay na ding umuwi.

“Bakit mo naman sinabi yon, nalito tuloy ako.” Mahinang sabi ko kay Santi, magkatabi kami sa likod ng kotse ni boss, nasa gitna nila ko ni kuya Eug at kinakapa ko pa kung ano ang nararamdaman ko ng mga sandaling yon.

“Mabuti na din yon Ryanne, kesa naman umasa pa so James sa’yo nakakatakot pa naman yon, parang hindi gagawa ng mabuti” bulong naman ni kuya Eug na hindi na din nakatiis na sumabat.

“Payo lang Ryanne, pagusapan niyong mabuti ni Santi yung sitwasyon niyo bago mo harapin si James, kung may pag asa sayo yung tao di bigyan mo nang chance. Wala namang masama dun binata naman yong tao….” Payo ni mama.

“Oo nga naman, kaso ang problema, lalabas na sinungaling si Santi, pag binago ni Ryanne ang lahat ng sinabi ni Santi, kanina” opinion naman ni boss.

“Bakit Ryanne, may pag-asa ba si James sa’yo kung saka-sakali?” mariing sabi naman ni Santi na halatang di niya gugustuhin kung ang isasagot ko ay oo.

“Hindi naman sa ganun ang problema ko lang, marami akong makakaaway sa mall, pag nabalitaan dun yung mga sinabi mo, ang dami mo kayang admirer dun, kung nakakasugat nga yung tingin nila, baka tadtad na ko ng peklat ngayon.” Mahabang litanya ko.

“So ang ipinagaalala mo eh yung mga babae’t baklang umaaligid dito sa tsinitong to.” Ngingiti-ngiting sabi ni kuya Eug sabay turo kay Santi, para pang nakakaloko.

“Nagseselos ka ba sa kanila?” bulong ni Santi na malapit sa tenga ko. Bahagya akong nakiliti sa ginawa niya kaya’t naiurong ko ang katawan ko ng konti.

“Adik, ka ba?” anas ko.

“Eh, aning ka din naman pala Ryanne eh, si James ang pinuproblema naming lahat dito tapos iba naman ang tumatakbo sa utak mo.” si boss ulit.

“Ano ba talaga kasi ang real score sa inyong dalawa?” tanong ni mama.

“Pag-uusapan pa namin ni Ryanne pag dating sa apartment Ma’am” salo ni Santi.

Sa apartment pagdating namin, hindi na bumaba si boss at mama, paglabas namin sa kotse ay inikot na lang nila ito at nagpaalam na. Naiwan kaming tatlo, palibhasa’y sabado non kaya walang ibang tao sa apartment kundi kami lang, nag-o-overnight sila sa simbahan nila at dumideretso na sila sa shop kinabukasan kaya solo namin ang apartment pag sabado ng gabi.

“O sige na pagusapan niyo na ang dapat pag-usapan ako ng bahala sa hapunan tatawagin ko kayo sa taas pag tapos na ko dito” pagtataboy ni kuya Eug sa min.

Nagkatinginan muna kami sandali ni Santi nananantiya kung sino ang unang magyaya sa taas.

“O, ano pang hinihintay niyong dalawa diyan?” nagtatakang tanong ni kuya Eug habang nakatingin sa min.

Napangiti na lang kami pareho at walang kibong umakyat.

“So, anong desisyon mo?” mahinang tanong ni Santi sa kin. Habang inaayos ang pagkakalagay ng bag kong binitbit niya kanina.

“Anong desisyon?”

“Kay James?”

“Ahh, eh wala eh nasabi mo na kanina yung mga bagay na yon, syempre alangan namang baguhin ko pa, tsaka mabuti na din siguro yong hindi pa ko handang humarap sa mga manliligaw ngayon…. Salamat nga pala, aaminin ko nakatulong yung sinabi mo, ang problema na lang ikaw, pano na yung lovelife mo kong malalaman ng nililigawan mo sa mall na may relasyon tayo….” Mahabang litanya ko

“Rye, dun ba sa sinabing mong hindi ka pa handa sa manliligaw, syempre kakambal non ang hindi ka pa handa sa panibagong relasyon diba?” tanong nito.

“Oo naman, iniisip ko pa din kasi si Meynard, isa pa hindi man ako nagi-guilty sa nangyari sa’tin alam mo naman ang kwento ko diba? I mean…”

“Hindi mo naman kailangan magpaliwanag uungkatin mo na naman yang nakaraan mo.”

“Nahihiya din kasi ko sayo, walang kwentang babae pa ang nakauna sa’yo hindi ka naman kasi makapaghintay ng babaeng matinong pwedeng…”

“Ano ka ba hindi ka walang kwentang babae lang, nakakabilid ka nga eh, ang tapang mong suungin ang buhay at hindi mo kailangan ng kahit sinong makakapitan ganon ka katatag Rye.”

“Kahit na…”

“Wag mong masyadong idown ang sarili mo kahit sinong lalake gugustuhing makatuluyan ka, bihira ang isang tulad mo, isang matatag at matapang walang pwedeng umapi, palaban, liberated pero nasa lugar…”

“Mapagbigay na kaibigan, hostess na walang bayaran, pwede mong itable ng walang tip, pwede mong itake out at I check in,matapang ako kasi nasisikmura kung tanggapin kung anong klaseng babae ako, kung ano lang ang kaya kong gawin, kung anong klaseng pamilya meron ako, na produkto ko ng broken family, iniwan kami ng tatay ko dahil hindi niya ko tunay na anak, kinuha nila ko sa probinsiya nung panahong walang maipakain ang tunay kong ina sa’kin, kaya ngayon may mabait akong Mommy na walang sawang nagmamahal at umiintindi sa’kin, kahit na anong sabihin ng ibang tao mahal na mahal niya pa rin ako, mahina pa rin ako Santi, kasi naniniwala akong may magmamahal pa sakin na seseryosohin din ako ng isang matinong lalake balang araw, kaya madali akong mabola kasi pinaniniwalaan ko na mahalaga ako sa kanila kahit ganito lang ako, isa akong maruming babae Santi, marami akong baho, buti nga yung ibang katulad ko pinagkakakitaan nila ang pagiging ganito nila eh ako? Tanga ko? naniniwala akong sa paghahanap ng matinong trabaho at matinong buhay pwede kong itago lahat ng pinagdaanan ko at wala akong nilihim sa’yo, lahat yun ay alam mo na simula ng maging kaibigan ka namin ni Kuya Eug kaya nga duda din ko sa’yo baka pati ikaw ginagamit mo na rin ako gaya ng iba, nagtetake advantage ka din ba dahil masyado akong mapagbigay.” Mahabang dugtong ko, hilam ang luha, nasasaktan ako, dahil alam kong ilan sa mga binanggit ko ang dahilan kung bakit iniiwan ako ng mga taong minahal ko.

“Minsan tuloy naisip ko, mabuti pang maanakan na lang ako, ayoko nang bumuo ng pamilya, kasi ayokong maranasan ng anak ko ang naranasan ko, totoo yun Santi, nang iniwan ako ng tatay ko, inisip kong hindi na bumuo ng pamilya, dahil alam kong mawawasak din yun kung kelan, masaya na ang anak ko at naiintidihan niya na ang mga bagay bagay, gaya ko noon, kaya tumatak yon dito” sabay turo ko sa dibdib ko ang sakit sakit balikan nang nakaraan ang hirap bigkasin ng mga katagang inulit ulit ko na sa isip ko umiiyak pa rin ako nakapa ko ang kaha ng sigarilyo sa likod ng pantaloon ko, kaya kinuha ko yun at nagsindi, natetense ako, at nakakabawas din yun sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

“Pati ba ikaw, wala nang tiwala sa sarili mo, yan ba ang tingin mo sa sarili, napakababa mo ba sa tingin mo?” mahinang sabi nito nakunot ang noo.

“At ganon ba ang tingin mo sa kin, manggagamit? Na ginagamit lang kita.”

“Bakit hindi ba? May kasintahan kang naiwan sa Mindanao baka nakakalimutan mo? Bata ka pa, wala ka pang kamalay-malay sa mundong pinapasukan mo, Nandito ka lang para tumulong sa pamilya mo, hindi mo kailangan mainvovle sa kin, ayokong masira ang buhay mo ayokong guluhin ang tahimik mong mundo.” Mariing pagtatapos ko dito.

Nanatili siyang nakatingin lang sa kin habang hinhithit ko ang sigarilyong paubos na maya maya ay kumuha na din siya ng sigarilyo at sumabay na din ako sa kanya na sumindi pa ng isa.

“Hoy! Bumaba na kayo, gutom lang yan” anunsiyo ni kuya Eug na nagyayaya ng kumain.

“Susme hindi pa din kayo nagkaayos parang gumulo lalo ang sitwasyon, kasing gulo ng buhok mo ngayon Ryanne.” Pagbibiro ni kuya Eug.

Pagkakain namin ay dumating si James, pinapasok ni Santi at pinaupo, nagprisinta nang manghugas si kuya Eug ng pinagkainan kaya kaming dalawa ni Santi ang humarap sa bisita.

“Pare, pasensiya ka na pero, naunahan na talaga kita dito kay Ryanne.” Simula ni Santi na nakaakbay sa kin magkatabi kami sa mahabang sofa habang si James ay nasa pang isahang sofa. Tumunog ang cellphone ko ng mga sandaling yon at nagpapaliwanag ako kay James kaya si Santi ang umabot nun sa lamesa at sumagot… ngunit…

“James, I’m sorry, pero, kasi, totoo yung sinabi ni Santi kanina, kaya ako nakipaghiwalay sa boyfriend ko sa makati dahil sa kanya.” Paliwanag ko dito.

Yun ang narinig ng nasa kabilang linya habang nagpapakilala si Santi kung sino ang tumawag at dahil magkatabi kami ng upuan ni Santi kaya’t dinig na dinig nito ang mga sinabi ko.

B I T C H ” yan naman ang narinig ko nang maghello ako sa kabilang linya ng iabot sa kin ni Santi ang cellphone at sabihing si Meynard ang tumawag.

“Kaya naman pala ang lakas ng loob mong, hindi na ko tawagan at para ipaalam sa kin na umuwi ka dahil may kalandian ka na diyang iba, hindi ka talaga pwedeng mabuhay nang walang lalaki sa tabi mo, at ako naman nagi-gui-guilty dito dahil sa pagkabasa mo ng mga message ng mga textmate ko, ni hindi mo na ko pinagpaliwanag na mga textmate lang yon at walang seryosong relasyon dun… habang ikaw eh nagpapakasarap sa piling ng bago mong laruan… B I T C H… ang akala ko napatino na kita, wala ka pa rin palang kupas Ryanne…Minahal kita ng sobra pero….”

“Minahal?… so ngayon hindi mo na ko Mahal.. at hindi na rin ako magpapaliwanag tungkol sa narinig mo kanina, sapat na ang mga narinig ko para tuluyan na kitang kalimutan.” Putol ko sa sasabihin nito sabay patay ng cellphone. BITCH oo nga, yun nga pala ang dapat itawag sa kin. BITCH

“Ryanne okay ka lang?” nag aalalang tanong ni Santi.

Si James naman ay nagpaalam na, kinamayan si Santi pero bakas sa mukha nito ang lungkot nagiwan siya ng tinging ang ibig sabihin ay hindi siya susuko

“Sige, pare, congrats, hawakan mong mabuti yan, baka maagaw ko yan sa’yo” sabi nitong may nakakalokong ngiti.

“Salamat James” nasabi ko na lang nang akbayan ako ni Santi at napukaw ang iniisip ko.


Chapter 6

“Boardmate”

Nag-iiyak na naman ako ng gabing yon, bakit ang labo-labo ng araw na iyon, hindi na kami nagkaintindihan ni Santi, hindi pa kami nagkalinawagan ni Meynard, hindi ko na kailangang ipaliwanag kay Meynard na isang palabas lang ang pagpapanggap namin ni Santi para manahimik si James sa pangungulit sa’kin, sapat nang tinawag niya kong Bitch, after all tama naman siya dun.

Kahit hirap na hirap ang kalooban ko, tuloy pa rin ang ikot ng mundo para sa kin, sa isang linggo darating ang Mommy ko at inaasahan niyang makakahanap na ko ng bahay naming dalawa dito sa laguna.

“Rye, tuloy ka ba bukas?” tanong ni boss. Miyerkules bukas at dayoff ko yon.

“Opo, pupuntahan ko po yung nakita nung tiyuhin kong house for rent sa may mamatid, sa mabuhay po, 1,500 lang daw po ang upa dun medyo malaki na din po, kasi ang daming gamit nun ni mommy kaya kailangan medyo maluwag na bahay.”

“Ahh okay, sigeh mag i-issue na ba ko ng tseke sa CA mo,” tanong ulit nito.

“Ah kayo po bahala boss para kung magustuhan ko po, pwede ko pong ibigay na yung advance at deposit.” Sang-ayon ko dito.

Nagulat ako ng matanggap ko ang tseke at five thousand ang nakalagay dun, three thousand lang naman ang advance at deposit nung bahay kung sakali.

“Nagtataka ka ba? Sige nah, para may pambayad kayo sa lipat-bahay na hahakot ng gamit niyo galing makati, at tsaka para may panggastos mommy mo sa bagong bahay niyo baka kailngang niyong bumili ng renuliom or kahit pang allowance niyo na lang ang sobra, kasi a cinco pa lang ngayon eh diba pinamasahe ng mommy mo yung huling sweldo mo sa probinsiya, wala kang problema sa apartment dahil kumpleto kayo dun, ngayong bubukod ka na ayaw kitang pabayaan.” Mahabang paliwanag ni boss bakas kasi ang pagtataka ko sa mukha.

“Salamat boss” bakas ang hiyang sabi ko.

“Ano ka ba, wala yon, pagbutihin mo lang ang pagpapalago mo sa negosyo ko at pagububutihin ko rin ang pag aalaga ko sa inyo” nasabi na lang nito.

Kinabukasan palibhasa’y hindi sanay bumiyahe sa lugar no yon mantakin mong maghanap ako ng taxi sa laguna. Gusto akong batukan ng driver ng dyip na napagtanungan ko kung may taxi bang dumadaan dun. Nasa harap ako ng bangko kung saan pina in-cash ko ang tseke ni boss, magkikita kami ng tiyuhin kong taga dito din sa laguna, sa mamatid kami magkikita kung saan sasamahan niya kong tingnan ang bahay na nakita niyang for rent kung pwede na sa min ng mommy ko.

Nagustuhan ko naman yung bahay walang dibisyon yon, pero okay naman yon kasi may malalaking cabinet ang mommy para magsilbing dibisyon ng magiging kwarto at sala, malinis naman ang banyo at may maliit na hardin nasa labas din ang lababo at pinakakusina pero may bubong itong nagsisilbing pananggalang sa ulan. Pwede na kung baga, okay naman at walang masyadong problema maliban sa medyo malayo sa pinapasukan ko isang mahabang biyahe ng dyip at isang sakay ng tricycle pwede mo naman lakarin pag baba sa may gate pero pwede ding sumakay ng pedicab para mas komportable.

Pagdating ng mommy ko galing probinsiya ay lumipat na din kami agad.

“Kumusta ang bagong bahay?” tanong ni boss.

“Okay naman po boss, medyo delikado nga lang sa gabi.”

“Naku mag-ingat ka dun, baka hindi na lang akyatin ka sa bintana gaya ng ginawa sayo ni James noon.” Bakas sa pagaalalang sabi nito.

Noong kasing nag-umpisang magkunwari kami ni Santing may relasyon ay nagduda na si James, kaya isang araw inakyat niya sa may bintana ang apartment at saktong katatapos ko lang maligo at kumukuha ako ng damit sa cabinet ng may kumatok sinilip ko sa baba sa may pinto o gate kung sino ang kumakatok wala naman, paglingon ko sa may bintana sa may kwarto ng mga kasama ko nagulat ako ng makita ko si James don, mabuti na lang at doon din natulog si Santi at kasalukuyang naliligo sa baba, sakto namang paakyat siya ng makitang nakatapis pa ako at may kinakausap sa may bintana.

“O, bat di ka pa nagbibihis?” takang tanong nito at napatingin sa kausap ko

“Puta! Anong ginagawa mo diyan?” galit na tanong nito kay James.

“Pare, pasensiyah na alam kong ayaw na kong kausapin ni Ryanne, kaya gumawa ako ng paraan para makausap siya, kasi lagi mo siyang binabakuran.” Mahabang paliwanag nito.

“Natural, girlfriend ko siya eh diba? At ang sabi mo bantayan ko siya, sa’yo nanggaling ang banta diba, pero pare patahimikin mo na to, natatakot na to sa’yo” pakiusap ni Santi dito.

“Naku James, pasensiyah ka na kung di na kita nilabas nung nakaraang gabi kasi andito sila boss nun at may pinaguusapan kami diba pinasabihan naman kita kay kuya Eugene, hindi mo naman kailangang magwala sa harap ng gate para lang kausapin ako, lalo akong natatakot kausapin ka” mahinang sabi ko dito.

“Pero Ryanne, gusto lang kitang Makita at makausap yun lang naman sana….”

“Pare, pinagbawalan ko siya eh, pasensiyah na isa pa pinoprotektahan ko lang din siya, sana maintindihan mo” putol ni Santi sa sasabihin pa sana ni James at hinila na ang braso kong nakahawak sa tapis ng tuwalya ko.

“Magbihis ka na, anong oras na, malalate na tayo” mariing utos nito, at saka isinara na ang pinto ng kwarto.

“Ipabablotter na natin yang stalker mo” pinal na sabi nito habang nagbibihis ako, siya namay nakashort na at magbibihis na lang din.

“Ryanne….. Ryanne!” pukaw ni Boss sa pagbabalik-tanaw ko, kaya nga pala ko nagdesisyong lumipat ng tirahan at isama na si Mommy dito baka kasi di lang yon ang kayang gawin ni James.

“Hoy! Ano ba? Kanina pa ko salita ng salita dito!” sigaw ni Boss nasa kaha ako non at nag-aayos ng sales kagabi hindi nga pala sila pumasok kahapon kaya ngayon lang nila tinutuos ang benta kahapon.

“A eh, ano nga po ulit?” tanong ko.

“Sabi ko, buti naman natigil na din ang pangungulit sayo ni James mula ng lumipat ka.” Ulit nito sa sinabi niya kanina.

“Isa pa, matagal na din palang may nobya yan dito isa sa mga saleslady ng sikat na boutique dito. Maganda Rye, maputi, matangkad, wala kang binatbat.” Pang aasar nito.

“Ahahaha, Boss naman at kelan naman ako nakipagkumpetensiya sa kahit na kanino.” Sabi kong natatawa, nakakatuwa naman kasi ang pang aasar nito, hindi ako pumapatol sa mga ganon kababaw katwiran ko kanya-kanyang taste lang yan, mukhang mataas ang taste ni James at nabulag lang sa kin yon malamang.

Maraming tao ng araw na yon, palibhasa katapusan kaya, swelduhan, halos domoble ang kita namin sa lakas ng invitation namin, mula kasi ng magsuggest akong kumuha ng supplier ng mga especial board and papers at sa dami ng mga bagong layout at designs, pumatok sa mga customers ang mga invitations mapabinyag, birthdays at kasal, doon nagsimulang makilala ang computerized personalized invitations sa shop namin, gumanda ang takbo at sunod sunod ang mga nagpapagawa pati na ng mga souvenirs para sa ibat ibang okasyon, dumami din ang parokyano namin na nagpapagawa ng mga kung anu-ano, lalo na pag nasimulan ko silang gawan ng logo, ay sunod sunod na ang pinagagawa nila nariyan ang mga may ari ng mga private schools, bar at restaurants, canteen concessionaires, mga proprietors at pati individuals na nag uumpisa pa lang sa kanilang negosyo. Masaya ko sa trabaho ko at marami akong kliyenteng nagiging kaibigan minsan pa nga imbitado ako sa mga gatherings nila.

“Kumusta na kayo ni Meynard?” tanong ni Geri isa sa mga bestfriend ko sa makati, isang araw ay dinalaw niya ko sa shop, uwian na non kaya sa bahay na siya natulog, kwenento ko lahat ng nangyari, pero hindi na siya nagulat pinsan niya kasi si Mama kaya imposibleng wala siyang alam.

“Anong plano mo ngayon?” tanong niya ulit.

“Ewan ko, alam mo naman ako, sumusunod lang ako sa agos ayokong sumalungat hindi ako marunong lumangoy remember ayokong malunod, tama nang tangayin na lang ako” sagot ko.

“Eh si Santi ang plano niya sa’yo?”

“Hindi naman yon nagsasalita eh…”

“Puro gawa?” pilyang tanong nito na may gumuhit ng ngiti sa labi.

“Oo” sabi ko ding nangingiti.

“Maiba ako, nagkita kasi kami ni Meynard at nakiusap na puntahan ka, gusto niyang makipag-ayos, kasi sinabi ko sa kanya kung ano talaga ang real score sa inyo ni Santi.” Pagsasabi nito ng totoong dahilan kung bakit napasugod ito.

“At naniwala naman sa’yo, buti ka pa, sinabi niya ba sa’yo kung anong sinabi niya sa kin nang araw na narinig niya yung tungkol sa min ni Santi” sagot-tanong ko dito.

“Wala naman siyang kwenento basta yung narinig niya lang ang sinabi niya at tinanong kung may alam ako…”

“Ay naku, mahal na mahal ko siya at saksi ka dun, alam mo yun nagaway na tayo’t lahat pero siya pa rin ang pinili ko, siya lang ang minahal ko ng ganito, tapos ganon lang ang sasabihin niya sa’kin, best, tinawag niya kong BITCH!” sabi ko ditong nagdadamdam pa din,

“At ngayon siya naman ang kinakampihan mo samantalang ako ang bestfriend mo.” Kunway tampo ko dito.

“Gaga! Sinsabi ko lang yon kasi nga alam kong mahal mo siya at baka magawan pa ng paraan ang pag-ibig mong pinangangalandakan mo sa lahat para sa kanya.. bruha.. kwestiyunin ba kung sino ang kakampi ko Adik!” singhal niya sa kin.

“Hoy! Gabi na, wag ngayong magsigawan diyan may mga natutulog na.” paalala ni mommy na nagising sa ingay namin, nasa labas kasi kami non at tumatagay ng konti.

“Ay sorry mommy’ hinging dispensa naman namin.

Nagkangitian kami at nag apiran ng mahina mukhang may tama na.

“Ahh okay, yun nga…” balik ko sa usapan namin kanina.

“Rye, what if, magusap kayo?” tanong nito

“Geri, kasi…. May bago kong crush, si Pao, si Paolo remember yung kliyente ko sa mga layouts ng rocktoons na pinipaintbrush niya sa mga tshirt naalala mo, nagkita na kayo non, nung mag two-two months pa lang ako dito”

“Oo natatandaan ko, teka lang hah, kung si Santi ang paguuspan natin maiintidihan kita pero ibang lalaki na naman to, ano ka ba naman Ryanne” litong sagot nito.

“Kasi, sayo ko lang sasabihin to, nagde-date na din kami, lunch date nga lang pag pumunta sa shop yon at may pinagagawa niyayaya akong kumain non, secret lang yon hah, ikaw lang pinagsasabihan ko non, kasi nga sila boss mukhang si Santi ang manok.” Paliwanag ko dito pero parang nalilito pa rin siya.

“Hayy naku Ryanne, ginugulo mo ang sistema ko, saglit…”

“Pare kasi niyaya niya ko…”

“Hoy, lasing ka na ba? Pare na ang tawag mo sa kin, at saan ka niya niyaya?”

“Sa cavite, papunta na ang banda nila sa Japan at niyaya niya kong makijamming sa kanila bago sila umalis.”

“Diyos ko naman Ryanne, ano naman to, teka mabalik tayo kay Meynard…”

“Ayoko na muna siyang pag-usapan ngayon Geri, masakit pa dito ang ginawa niya, gusto ko munang ienjoy ang pagiging single ko pwede ba yon.” Salag ko sa sasabihin nito.

“At si Santi?”

“Normal lang naman kami, tsaka kung magkaibigan man kami ayokong tumalo ng kaibigan, tama na yung napagbibigyan ko siya, walang espesyal don.”

“At kay Paolo meron?”

“Hmmm… medyo alam mo naman ang tipo ko…”

“Oo, mga mukhang adik!” singhal niya ulit

“Hindi at least Rakista, hindi Bishop.” Ngingiti-ngiting sabi ko

“Bishop?’ bakit mukha bang pari si Santi.

“Hindi, Bishop BISayang hipHOP” sabi kong natatawa.

“Gago!” sabi nito

“Bahala ka basta ako nasabi ko na ang gustong iparating ni Meynard sa’yo tawagan mo daw siya kung ready ka nang makipagusap sa kanya maghihntay daw siya…”

“Ako na naman ang tatawag, siya ang may kailangan siya ang tumawag o siya ang pumunta dito. Period.” Pagtatapos ko sa usapan.

Makalipas ang ilang araw ng mag-open ulit sa kin si Santi ng problema niya tungkol sa tutuluyan niyang bahay paalis na daw kasi ang boss niya sa linggo at Martes ng araw na yon, kinausap ko si boss tungkol dun, pero sinabi niyang, hindi pwedeng tumira dun ang hindi empleyado ng C&M, oo nga naman kaya nga staff house eh. Kaya naisip ko total maluwag naman sa bahay pwede siya muna dun pansamantala habang naghahanap siya ng trabaho at pag may pang upa na siya pwede na siyang mag bedspace sa iba, pwede naman siya sa sala kasi magkatabi naman kami ni mommy sa kwarto.

“Hindi pwede” sabi ng mommy

“Kung magnobyo kayo papayag ako, pero kung hindi mahirap yon.” Paliwanag ni mommy.

Nagtaka naman ako bakit ganun, di ba pag magnobyo nga parang hindi maganda magsama sa iisang bahay na.

Pero nagbago ang desisyon ni mommy ng isang gabing umuwi ako at hilahin ng isang lalaki papunta sa isang bakanteng bahay, kaya lang lagi ko kasing dala ang cashbox na may lamang barya at mabigat sa knapsack ko kaya sa isang balikat ko lang dinadala ito, agad kong nahubad ang bag at ipinokpok ko sa lalaking gustong tumangay sa kin tumama ang cashbox sa ulo niya at nagsisigaw ako dahilan upang agad na may rumespondeng mga nakarinig at pedicab driver na napadaan sa madilim na bahagi ng lugar na yon, buti na lang medyo sanay ako sa sapakan dahil puro lalaki ang mga pinsan ko at sanay sa riot ang mga iyon kaya pati ako nahawa na sa mga gulong kinasasangkutan nila nung nasa makati pa kami nakatira. In short basagulera din ako noon, kaya hindi umubra sa kin ang e-engot engot na lalaking ito, swerte ko na lang at hindi niya agad ako natutukan, kasi hinawakan niya ako agad sa braso kaya naiilag ko ang mukha ko kung sakaling may ipapaamoy siya sa kin at yun nga mabilis na gumana ang isip kot ipinokpok ang bag sa kanya swerte din talaga at lagi kong inuuwi ang cash box kung saan andun ang sales sa mga internet card at phonecards na binebenta naming, sa kin kasi nakatoka yon at ako ang nagbabayad non sa kinukuhaan namin.

“Rye, anak, dapat nga sigurong may kasama tayong lalaki sa bahay kasi mamya niyan balikan tayo noong nangharang sayo nung nakaraang araw, o kaya naman malaman nilang tayong dalawa lang ang nandito at looban tayo.” Halata ang takot ng mommy ko nang magdesisyon siyang tanggapin si Santi sa bahay.

Biyernes ng gabi kasama ko na si Santi sa bahay dala ang sports bag na may kalakihan at single foam na magsisilbing higaan niya sa sala.

“O, Santi pasensiya ka na muna dito sa min, pag nakahanap ka na ng trabaho pwede ka nang maghanap ng mas komportable ka.” Hinging dispensa ko dito.

“Ano ka ba Rye, sobra sobra na nga tong naitulong mo sa kin, salamat ha.” Pasasalamat nito.

“Nay, salamat po at pinatuloy niyo ko sa bahay niyo, hayaan niyo po hindi ako magiging pabigat tutulong po ako dito, at maghahanap ng trabaho para po makatulong din dito.” Baling nito sa Mommy ko sabay mano.

“O sigeh na, tama na yan, inayos ko yung isang sabinet diyan Sati, may space diyan kung saan pwede mong iayos ang mga damit mo. Pero bago yan, halika na’t kumain na muna tayo’t nakapaghanda na ko” mahabang sagot nito, halata naman gusto niya talaga si Santi, ngayon ko nga lang siya nakitang nagabala sa mga kaibigan kong lalaki. Hmmm. At mula ng makilala niya si Santi bilang kaibigan ko tuwing maguusap at magkikita sila nito, iba ang ngiti nito, pati joke ni Santi eh bentang benta dito.

Kinabukasan, sabay kaming pumuntani Santi sa mall, sarado na ang coffee shop nila, at gagawan ko siya ng resume kaya hinatid niya na ako, maghapon daw siyang magiikot upang magahanap ng aaplayan, at hihintayin na niya kong umuwi para hindi na nga naman ako magisang bi-biyahe, nagpaalam din siya kay mommy na ganun ang plano niya. At sa buenas ay pinabaunan pa ni mommy ito ng singkwenta pesos, samantalang ako kiss lang ang pabaon ng mommy ko sa kin maliban sa baon kong pagkain. He he he nakaktuwa talaga tong mommy ko.

Binibigyan ko din kasi ng allowance si Mommy pag sumwesweldo ako at sa kanya ko din binigay ang natirang pera sa paglipat namin, iniipon niya naman to para pag wala na kong pera ay may mabubunot siya pang tapal na hindi naman nangyayari kasi matipid talaga ko sa pera maliban na lang pag pagkain ang pag-uusapan hindi ako nagtitipid sa pagkain.

“Oyyyy…” sabay sabay na bati sa kin ng mga kasam ko maliban kay Victoria syempre mantakin mo namang ang pinapangarap niya eh nakitara sa bahay ko.

“Anong Oyyyy… mga adik tigilan niyo ko ang aga aga niyong mang asar.” Sabi kong nakangiti, napangiti ako kasi nahagip ko ng tingin ang isa sa pinakapaborito kong customer si Paolo.

“Ngayon ka lang ata namin naunahan, hindi ba lagi kang maaga pumasok, masyado ka bang napagod sa pag eestima sa bago mong boardmate.” Ngingiti ngiting buska ni Ritch, palibahasa may alam na sikreto ko ayon nagbigay na ng malisyosong tingin.

“Ay naku, bahala kayo, hindi pwedeng maging kami niyan ni Santi, hindi ako tumatalo ng tropa.” Pagtatapos ko sa pang-aasar nila, tinigilan naman nila ko ng magsalita ang baritonong boses ni Paolo.

“Ryanne, babalik ako give me five minutes.” Maiksing sabi ito sabay talikod at matiim na tumingin kay Santi at nagiwan ng nagbabantang tingin.

“O anong problema non?” tanong naman ni kuay Eug.

“Ewan ko.” Maiksing sagot ko.

“Santi, akin na yang bio-data mo at gagawan kita ng resume, pagkatapos ipaxerox mo lang kay kuya Eug, at bayaran mo, para makapagikot ka na.” sunod nsunod kong utos dito, na parang tinataboy ko na pag natapos ko ang resume niya, kasi nga babalik si Paolo at ayokong masira naman ang araw ko nang dahil lang sa hindi naiintindihan ni Paolo ang sitwasyon.


Kabanata 7

“Wristband”

“Oyyyyyyyyyy….” Sabay-sabay na sabi ulit ng makukulit kong kasamahan, nakatalikod ako noon at wala na si Santi ng mga oras na yon ano na naman kaya ngayon.

“Rye, para sa’yo” yun pala yon, isang bouquet ng ibat ibang klaseng bulaklak ang tumambad sa kin pagharap ko sa kanila at si Paolo ang may dala non.

Kinilig naman ako ng sobra dun, ang cute.

Kinuha ko ang bulaklak at nagpasalamat. Tapos back to business na ulit kami ni paolo, madalas magpagawa yun ng mga layout ng kung anu-anong rocktoons band o kung anu-ano pang pwede ilagay sa t-shirt na inoorder naman sa kanya. Three to four times a week yun kung pumunta sa shop, regular client ika nga, may sign shop siya sa may Carmona Cavite.

“Bakit ang layo pa po ng dinadayo niyo para lang magpa-layout ang dami dami naming business center diyan na malapit sa shop niyo?” naaalala kong tanong dito nong halos mag-iisang buwan na siyang pababalik balik sa shop nagtatanong lang naman ako kasi nga ang layo pa ng binabyahe niya, Carmona Cavite to Santa Rosa Laguna diba.

“Kasi dito lang ako nakatagpo ng mahusay na layout artist na nahuli ang gusto ko at nasusunod ang gusto kong mangyari sa lahat ng gagawin ko tsaka nahuli mo din kasi ang kiliti ko” sagot nitong medyo hininaan ng mapadako na sa dulo ang sinasabi nito.

“Ahhh…ganun… di dabat niyan may bunos akong tip.” Biro ko dito ganon kasi ako makipagbiruan sa mga customer na tinototoo naman nila dahil natutuwa talaga sila sa trabaho ko.

“Hindi lang tip ang pwede kong ioffer sa’yo” maikling sagot nito.

Ngiti lang ang sinagot ko dito kasi ayoko namang makipaglandian habang nagtatrabaho noh, nakakaloka talaga.

Nag mag lu-lunch bumalik si Santi sa shop at sinabing sasabayan na niya kong kumain.

“Pare, kasi niyaya ko siyang mag lunch sa labas.” Pagbibigay alam ni Paolo dito.

“Ganun ba?” maiksing sagot nito at tumango “Sige sasabay na lang ako kay Eug.” Sabi nitong nakatingin sa kin animoy nasasaktan, naku ano ba to parang lahat na lang ng ekspresyon sa mukha nito napapansin ko ano naman ang ikakasakit nito.

“Ah, Santi eto yung pinabaon sa tin ni Mommy.” Yun lang at iniwan ko na sila ni Eug na nakatingin sa min ni Paolo habang papalayo sa shop.

Sa fastfood.

“Pwedeng magtanong?” di ba tanong na yon, sabi ko sa isip ko

“Depende…pero…. Sige… wag lang english ha…math na lang” nagbibirong sabi ko kasi parang ang lungkot lungkot niya tapos seryosong seyoso pa.

“6 months lang ako sa Japan.” Maiksing sabi nito

“Tanong na yon?” sa pagitan nang pagsubong sabi ko na hindi nya pinansin.

“Mahihintay mo ba ko?” yun ang tanong.

“Ahmmm, bakit hindi ko naman buburahin mga files mo ahh, o kaya pwede kitang ipag-burn ng cd for backup ng files mo para….”

“Hindi yon Rye” putol niya sa sinsabi ko

“Ahh hindi ba yon… eh ano pala?”

“Ako, ako Rye, mahihintay mo ba ko, ayokong iwanan ka, ayoko ding pilitin kang sagutin ako ngayong paalis ako, gusto ko pag balik ko na pag nahintay mo ko Rye, pagbalik ko…” pinutol nito ang sasabihin, parang paulit ulit naman

“Makaka-pag-jamming tayo, pagbalik mo, gaya ng dati, pagbalik mo, layout artist mo pa rin ako, kaibigan, ka lunch date, ka kwentuhan, Pao, kung nararamdaman mong higit pa sa pakikipagkaibigan din ang gusto ko, Oo totoo yon, pero kung iiwan mo lang din ako, hindi ako komportable dun, isa pa, gwapo ka hanggat maari sana ayokong magkaboyfriend ng gwapo” nagpapakatoong sabi ko.

“Ibig bang sabihin, hindi ko pwedeng ibigay s’yo to…” inilabas niya galing sa bulsa ang isang kahong maliit, binuksan yun at isang plain silver ring ang nakalagay dun, rakista talaga.

“Souvenir?” tanong ko.

“Bond, pag tinanggap mo to ibig sabihin willing kang hihintayin ako…ibig sabihin may aasahan akong pag-balik ko, pakakasalan mo ko…”

“Adik ka ba?” tanong ko.

“Anong kasal? Mukhang hindi pa ko handa dun. Tsaka ayoko nang kasal Paolo, hindi ko yata kayang tanggapin yan, baka naman pwede pag balik mo at least maging girlfriend mo muna ko, yun baka pa, pero kung kasal naman agad, nagmamadali ka ata, may lakad ka ba?” pagbibiro ko, pero nabigla talaga ko.

“Pwede bang yung wristband na lang iwan mo sa kin” kapal ng mukhang sabi ko, gustong gusto ko kasi yung wristband na suot niya, logo ng incubus yun isang international rock band na paboritong paborito ko rin, malamang magkasundo kami sa mga ganung bagay pero gaya nga ng sabi ko, masyado siyang gwapo pa ra sa kin, boyfriend pwede asawa no way.

Hinubad niya ang wristband at isinuot sa kin tinago ang kahon at

sinabing….

“Pagbalik ko iaalok ko ulit sa’yo to, sana hindi ako maunahan ni Santi, lalo na’t nakatira siya ngayon sa inyo.” Sabi nitong dismayado man, mukhang umaasa pa rin.

“Nga pala,tungkol dun Paolo, gusto kong linawin na kaibigan ko lang siya, at wala siyang matutuluyan dito sa laguna, kaya inoffer kong sa min muna siya tumira, yun lang yon.” Paliwanag ko, eh bakit ba ko nagpapaliwanag dito.

“Bakit ka nagpapaliwanag? Kung hanggang doon lang yon, hindi mo na kailangang linawin sa’kin yon, isa pa hindi naman ganun kababa ang tingin ko sa’yo, gusto mo lang tumulong.” naniniwalang sabi nito.

Impressed? Hmm hindi daw ganun kababa ang tingin niya sakin, wow, rakista talaga. At least di ba malay mo naman totoo.

Pagbalik ko, lahat sila napansin ang wristband na suot ko, at syempre naman tuksuhan ulit, nakakasawa na, hindi ko napansin si Santi sa likod ng stante sa gilid ng shop, kaya iniwan na lang nito yung lunchbox na binigay ko sa kanya kanina na nakita din naman ni kuya Eug at iniabot sa kin.

Nagpaalam na din si Paolo para asikasuhin naman ang shop niya.

“Rye, bakit parang ang gulo ata ng lovelife mo ngayon?” takang tanong ni Kuya Eug. Ngayon lang kasi nangahas si Paolo mag-yaya ng lunch sa harap nila dati kasi sa text lang at pasimple lang habang nagbibigay ng instruction sa pinagagawa niya. Kaya parang bigla tuloy akong nahirapang magpaliwanag.

“Naku kuya Eug, kahit ako nalalabuan, parang kakabreak ko lang nga eh di ba, tapos gusto ngang makipagayos sa kin then si Pao naman nilantad na dati naman sinesekreto niya lang muna na ganito yung sitwasyon namin,ayaw niya kasing iba ang isipin niyo dahil nga kliyente ko siya.” Sabi ko na lang.

“Ano???!!!, matagal na yang ganyan, naglulunchdate na kayo dati pa???” baklang tanong ni Ritch.

Isang batok naman ang nakuha kay Kuya Eug.

“Bakit???” tanong ko masakit yon ah.

“Wala kaming kaalam-alam Ryanne, hindi ka ba natatakot dun, puro tattoo, rakista, nagbabanda, malay mo durugista yon, mukha kayang adik yon, lapitin ka talaga ng mga adik, mamaya mo nun yayain ka nun kung saan tapos sumama ka naman, oi hindi purkit gwapo yun ah, tumigil ka nga kaya ka nasasabihan ng kung anu-ano eh, ayaw mo ring umayos.” Inis na si Kuya Eug niyan.

“Sorry na po, hindi na mauulit, parang tanga nga yon, ginulat ako sa mga pinagsasabi kanina biruin mo, hintayin ko daw siya anim na buwan siya sa Japan para sa contract ng banda niya.”

“Hintayin bakit?” tanong ni Ritch.

“Ewan ko don.”

“Bakit nga?, nanliligaw ba siya sa’yo.” Si Kuya Eug ulit, habang nagtatrabaho kami ay nagkwekwentuhan kami hindi naman sana kami mahuli no boss no.

“Siguro, pero sabi niya ayaw daw niya kong iwan kaya pagbalik na lang daw niya.” Sagot ko naman.

“Anong pagbalik niya? Pagbalik niya na lang sasasagutin mo na siya ganon?” si Ritch naman.

“Siguro, ewan ko ay naku bahala nga siya. Sa isang linggo na ang flight nila at susunduin niya daw ako mamaya para sa grand band rehearsal nila sa Cavite, baka daw pwede akong jumaming sa banda nila, at para maipakilala sa mga ka band mate niya… ”

“At hindi ka pwedeng pumunta!” sabat ni Santing nasa gilid ng shop at nakikinig na pala sa kwentuhan namin.

“O sabi nang boardmate mo di ka daw pwedeng pumunta” sulsol naman ni Kuya Eug.

“Mag-aalala si Nanay pag hindi kita kasamang umuwi ngayon, at syempre hindi mo ko pwedeng isama para maging body guard mo, gagabihin tayo at hindi pwedeng walang kasama ang nanay mo delikado siyang mag-isa alalahanin mo.” Mahabang paliwanag nito. At si mommy pala ang dahlian akala ko naman ayaw niya talagang makasama ko si Paolo, assuming naman ako masyado.

“Okay,” mabilis akong nagtext kay Paolo na hindi ako makakasama sa kanya at idinahilan ko na lang na hindi ako pinayagan ng Mommy ko dahil gagabihin nga ako, isa pa totoo din naman ang sinabi ni Santi, delikado nga namang mag-isa ang mommy.

Nag bon voyage na lang ako sa kanya at nagreply siyang pupuntahan niya na lang ako bago sila umalis.

Si Santi naman ay tinawagan at natanggap sa trabaho sa loob din ng mall na yon, natanggap siyang service crew sa isang ice cream parlor na bagong bukas sa mall ding yon, on training siya for one week at dumire-diretso na din ang trabaho niya.

Ang sistema since pareho kami ng oras ng trabaho, pagpasok at pag-uwi kaya sabay kaming umaalis at umuuwi sa bahay, hindi na din magaalala si mommy dahil nga may kasabay na kong pumasok at umuwi.

Minsan.

“O, bakit? May nakain ka bang masama, at sumusuka ka” tanong ko kay Santi pagkauwi namin galing sa trabaho, kakakain lang namin non at sinusuka niya ang kinain niya, pero madalas na din talaga siyang dumuwal na minsan wala naman siyang nilalabas.

“Wala to, nalilipasan lang siguro ako ng gutom, at nabibigla pag napapakain ng marami” balewalang sabi nito.

“Naku, wag kang magpapalipas ng gutom, masakit ba ang sikmura mo?” alalang tanong naman ni mommy.

“Wala to nay, lilipas din to, hindi lang po siguro sanay sa tagal ng break sa shop kasi, pag maraming tao hindi kaya nang isa sa harap kaya dalawa kaming nagseserve.”

“Wag mong sanaying ganon, kasi magsasakripisyo ang kalusugan mo.” Sagot naman nitong nag aalala pa rin.

Sa totoo lang kahit ako nagtataka bakit napaka maalalahanin ni Mommy dito, siguro dahil hindi na din lingid sa kanya na may nangyayari na din sa min.

Minsan din kasi magkatabi na kaming matulog ni Santi sa sala, pag napapasarap ako ng nood sa TV ay doon na ko nakikitulog, parang sa apartment dati, at hindi din naiiwasang may nangyayari sa min.

Hindi ko tuloy maisip ng mabuti kung ano ba talaga meron kami.

At ewan kong sinasadya niya pero pareho pa kami ng araw ng day off, kaya pag Thursday ay pareho kaming nasa bahay.

“Santi, hindi naman sa may inaasahan ako sa’yo o kung ano man ang isipin mo gusto ko lang malaman, kung ano ba tayo?” buong tapang kong tanong isang araw ng Huwebes, nasa bahay kami noon tanghaling tapat pakakain ng tanghalian ay nagyoyosi kami sa labas nang nagsisilbing maliit na hardin ng bahay at kasalukuyang nanunood naman si Mommg ng TV sa sala.

“Ikaw, ano ba sa tingin mo?” balik nitong tanong.

“Tinanong kita, sinagot mo ko ng tanong din, hindi ba dapat sagutin mo ko ng diretso kasi tinanong kita ng maayos eh.” Mangani-ngani kong kaltukan tong kausap ko.

“Bakit hindi pa ba obvious?” tanong ulit nito, murahin ko kaya to ng matauhan.

“Pwede ba? Kung pwede lang no, umaayos ka, kasi ako at least wala nang commitment eh ikaw may naiwan ka sa Mindanao, kung ano man ang tinutumbok mo eh diretsuhin mo na nang masoplak kita.” Inis kong sagot nakakairita.

“Bakit ba? Ano ba ang gusto mong isagot ko?”

“Kung ano mo ba ko? Partner in Bed? hostess na walang bayaran? Parausan?….”

“Bakit? Ganun ba ang tingin mo sa kin? Partner in Bed, Callboy na walang bayaran? Parausan?” putol nito sa sasabihin ko pa sana…

“Aba’t gago ka pala eh, sasagutin mo lang ang tanong ko, ngayon kung ayaw mong linawin, sige maghanap ka na ng malilipatan mo, dahil ayoko na nang nandito ko sa bahay….”

“Bakit sawa ka na sa kin, hindi ka na masaya, hindi ba kita kayang paliagayahin?” putol ulit nito.

“OO” isang tumataginting na oo ang sinagot ko

At isang malutong na sampal lang naman ang inabot niya sa kin.

“So, yun lang ako sayo, hindi mo man lang inisip na kaya may nang yayari sa’tin dahil ginusto ko, kaya tayo magkasama ngayon sa iisang bahay dahil ginusto ko, gusto kong kasama ka, katabi, inaalagaan, pinuprotektahan, ganon ka manhid para hindi mo maramdaman kung ano meron ako sa’yo, gusto kita hindi mo naiintindihan yon, hindi ba halata masayado ba kong magaling magtago, o manhid ka lang talaga.” Galit na sabi nito, na kinakunot noo ko naman. Gusto niya ko, pero hindi niya ko mahal, at naghangad pala kong mahalin niya, napakapathetic ko naman.

“Pasensiya ka na, hindi ko maabsorb ang mga sinasabi mo, siguro nga, hindi ko maramdaman kasi hindi ko dinadama, siguro nga hindi ko nakikita kasi hindi naman ako sayo nakatingin, siguro nga wala akong pakialam kasi hindi na nga kita dapat pinakialaman, siguro nga Santi, wala tong pupuntahan, ayoko kong magulo ang buhay mo, kaya habang pwede ka pang kumalas, gawin mo na, maytrabaho ka na pwede ka nang maghanap…” pinutol yun nang yakap niya, lumuha na pala ko napansin ko kasing nabasa ang damit niya ng niyakap niya ko.

“Hindi ako aalis, dito lang ako, dito lang ako, ayokong umalis.” Bulong niya habang yakap ako.


Kabanata 8

Unexpected

Matuling lumipas ang mga araw at hindi ko napaghandaan ang isang kaganapang hindi ko inaasahan isang pangyayaring magpapabago ng buhay ko. November 7 namili ako ng mga kailangan ko at alam kong dadatnan ako ng araw na yon, kaya bumili ako ng mga sanitary napkins at feminine wash, pantyliners at iba pang personal na gamit, pero halos isang linggo na at hindi pa rin ako dinadatnan, hindi pa naman ako pumpalya dahil regular ang period ko.

“Halika kayo mga anak?” pukaw ni mommy sa iniisip ko. Habang nakatingin sa lagayan ng mga pinamili ko, nakatitig na pala ako dito.

Ang aga aga ko namang nawala sa sarili.

“Mga anak” panimula ni Mommy.

“Alam ko ang sitwasyon niyo, anuman ang mangyari magsasabi kayo, kung mag-aasawa kayo, wag niyo na kong bibiglain, magsabi lang kayo, alam kong marami pa kayong gustong gawin sa buhay niyo, pero kung anuman ang mangyayari gusto ko tatanggapin niyo ng maluwag sa inyo at sasabihin niyo sa kin.” May kahulugang sabi nito.

“Sige po Ma, alam niyo namang wala kong inililihim sa inyo, remember living diary ko kayo.” Sagot ko dito.

“Asahan niyo po yan nay.” Sagot din ni Santi, sabay akbay sa kin.

Nag-almusal na kami ng sabay-sabay at pagkatapos ay lumbas kami ni Santi, namalengke kami ng lulutin para baunin, alas siete pa lang naman kaya naglakad lakad pa kami habang namimili ng mga uulamin hanggang gabi hindi na kasi lumalabas si Mommy sa hapon para bumili minsan kami na lang ni Santi ang namamalengke sa umaga.

“Gusto kong ulam ngayon pusit, adobong pusit.” Sabi ko.

“Sige, ano yun babaunin din natin, mangingitim ipin natin niyan.” Birong sabi nito.

“Bakit magtotoothbrush naman tayo pakakain ah. Basta gusto yon.” Sabi ko

“Tapos mamyang gabi, inihaw na atay ng baboy, sawsawan toyo’t kalamansi” sabi ko ulit.

“Mukhang masasarap yang mga ulam na niisip mo ah.” Sang ayon naman nito.

“Pwede bang medyo agahan natin umalis mamya?” tanong ko dito medyo naglalambing.

“Kasi diba bagong sweldo naman tayo, libre mo naman ako sa jollibee ng large French fries tsaka extra gravy sawsawan, tapos sa meriend gusto ko ng palabok ng jollibee hah…” mahabang litanya ko dito.

“Ang dami naman..”

“Di huwag, ako na lang ang bibili” tampo ko dito.

“Hindi ko naman sinabing hindi kita bibilhan, ang sabi ko lang ang dami mo namang gustong kainin ata ngayon?”

“Nagrereklamo ka eh, wag na lang ako na lang ang bibili ng mga gusto kong kainin” sabi kong nagtatampo pa rin.

Sa shop

Nagmamadaling pumasok si Santi sa shop nila. Hindi pa natatanggal ang takip eh pumasok na.

Ako naman nilantakan ko na sa dyip ang French fries at gravy kaya pag dating ko sa mall ubos na, ang takaw ko nga ngayon, kumain ako ng kanin bago umalis, tapos yun nga kumain din sa dyip, tapos nung may nadaanan akong dalandan eh bumili ako ng isang kilo.

“Wow, Rye ang sarap naman niyan” bati ni Kuya Eug sa bitbit kong plastic na may lamang dalandan.

“Oo nga, makakain habang nagtatrabaho,” sang ayon ko dito.

“Sige, magbalat ka na para, kukuha na lang ako diyan lam mo naman ako ang pinakabusy dito kasi sakin nakatoka ang Xerox, fax, payphone at nachos.” Pakiusap nito, na sinunod ko naman.

“Ang tamis kuya Eug, ang sarap.” Sabi ko dito. Di naman nagpahuli at kumuha na din at sinubo, napangiwi ito.

“Ang lakas nito mang-asar o, ang asim asim nitong nabili mong dalandan eh, magkano ba kilo nito.” Tanong nitong ipinagtaka ko, kumunot tuloy ang noo ko.

“Bente, tangek kuya Eug matamis kaya tong nabuksan ko, san ka ba kumuha, baka magkaiba tayo ng pinagkuhaan.” Salag ko dito di ako makapaniwalang maasim yung dalandan kasi ang tamis tamis naman.

“Bakit ilan na ba ang nabalatan mo, eh ang kinuha ko eh yung balat na.”

“Isa pa lang, ito pa lang.” sagot ko

“diyan nga ko kumuha”

“Okay fine.”

Nakapagtataka naman pero halos lahat ng tumikim sa dalandang dala ko, nagsasabing maasim samantalang ako naman natatamisan at sinasawsaw ko pa sa asin para magtalo ang tamis at alat.

Nang magtanghalian….

“O bakit nagmamadali ka nga pala kaninang pumasok sa shop niyo, nakita mo ba yung delivery van niyo sa labas?” tanong ko kay Santi habang kumakain kami ng tangahalian.

“Hindi, umasim na naman kasi ang sikmura ko at nasusuka ko, pasensiya ka na nga pala naiwan kita sa entrance kanina, hindi ko lang talaga kaya, baka masuka ko sa daan, kaya tumakbo ako sa lababo.” Paliwanag nito na tinanguan ko na lang.

“Ahmm, pa check up ka kaya, may pera ka pa ba?” hindi naman maiwasang pag aalala ko.

“Kasi baka kung ano na yan” dugtong ko pa.

“Hindi wala to, kinausap ko na lang Jhen na kung pwede maaga na kami mag lulunch para hindi kami malipasan, tsaka kasi maraming mamimili mula alas dose ng tanghali hanggang alas dos, kaya kung mas maaga kaming mag lulunch at least hindi kami magugutom, anytime naman pwede kitang sunduin dun para kumain diba?” sabi nito.

“Oo, kaya lang wag lang matataon na inupuan ako ng kliyente ko, kasi di ko naman pwedeng iwan yon.” Sagot ko naman dito.

Pagkatapos naming kumain pinaalala ko na may utang siya sa king palabok mamayang hapon para sa meryenda.

“Oo ba ikaw pa, malakas ka sa kin, ako lang ang mahina sa’yo eh.” Sabi nitong ngingiti-ngiti.

“Mahina ka pa niyan sa lagay na yan hah” ganting sabi ko dito na ngingiti-ngiti rin habang pabalik na kami sa shop kung saan hinahatid niya pa ko, bago siya bumalik sa shop naman nila.

“Ryanne, bakit medyo malambing na kayo ni Santi sa sia’t-isa, hindi mo ba napapansin na parang nagkakamabutihan na kayo?” tsismosang tanong n Ritch.

“Pansin mo ba? Buti ka pa” bara ko dito, na sinundan ng ngiti.

“Siguro ganon lang talaga Ritch, kasi nga magkasama kami sa bahay, tsaka lagi din kaming magkasabay pumasok, kumain, pati nga siguro paghakbang at paghinga sabay na kami eh.” Nakangiti pa ring sabi ko, ewan ko ba pero kasi hindi ko naman pinapansin kung may nagbabago sa’min, para kasi sa min normal lang yung kinikilos namin, kung baga parang basic lang, walang exhibition, normal at regular. Siguro naninibago lang sila, samantalang kami parang kinasanayan na.

Isang Buwan na halos ang lumipas mula nang hindi ako dinatnan, naalala ko lang ulit nang sumapit ang araw na dapat ay dadatnan ako, pero hindi pa rin, isang buwan na kong delayed, December 7 na ngayon, binilang ko sa isip ko kung totoo nga ba ang kwenta ko, inulit ulit ko pa, pero talagang isang buwan na.

Nangati ang ulo ko, buti na lang huwebes non, alas otso na ng umaga ng bumangon ako dati naman alas sais pa lang gising na ko, minsan nga wala pang liwanag gising na ko, pero ngayon tinatamad akong bumangon, ilang araw ko na bang nararamdaman ang ganito, wala kasing pasok ngayon kaya ayoko pang tumayo samantalang si Santi kanina ko pa naririnig na nagwawalis sa labas at naglalaba na ngayon ng mga uniform niya, ako andito pa din nakahilata at nag-iisip pa rin.

“Rye, anong gusto mong almusal, tinapay o kakain ka ng kanin?” pukaw ni Mommy sa iniisip ko, Hindi naman ako tinatanong nito ah, alam niya naman na pinalaki niya kong marunong remespeto sa hapag kainan na kung ano lang ang nakayanang ihain yun lang ang kakainin.

“Kahit ano pong nandiyan” sagot ko.

“O, sige na bumangon ka na, para makapalengke ka ng gusto mong ulamin paka almusal, nagsasampay na si Santi ng mga nilabahan niya, dinamay niya ang uniform mo, kasi daw tulog ka pa.” mahabang sabi nito.

“Opo, sige po” bumangon ako at pinalitan ang pantulog na suot ko ng short at tshirt na pambahay at presko sa pakiramdam, nagmumog at nagsuklay, pero ng maamoy ko ang sabong ginamit ni Santi, bumaliktad ang sikmura ko, at dumuwal, pero wala naman akong inilalabas na kahit ano siguro dahil wala pa kong kinakain.

“Ano bang sabon ang gamit mo ang baho naman?” inis kong tanong kay Santi na nagsasampay sa likod kung saan andun din ang lababo.

“Ariel, lang po mam,” sagot nitong nakakaloko.

“Huh! Ang baho talaga hindi ako nagbibiro, nakakasuka kaya.” Sabi ko at nagmamadaling pumasok na sa loob isinara ko ang pinto sa likod para di na pumasok ang amoy.

“Mommy, para kong nawalan ng ganang kumain, pero nagugutom ako.” Nasabi ko kay mommy habang nakatingin sa lamesa at hinihintay ang pagpasok ni Santi.

“O sige na, kain na tayo” sabi naman nito pagpasok at umupo na din sa tabi ko sa lamesa, sumiksik na namansa ilong ko ang amoy ng sabong ginamit niya.

Tumayo ako at inabutan ko siya ng alcohol, lotion at cologne.

“O, paki lagay mo yan sa mga kamay mo, para matanggal ang amoy ng sabon, hindi ako makakain habang naamoy ko yan.” paliwanag ko nang nagtaka siya nang inabutan ko siya nang sari-saring pampahid at pampabango.

“Ang arte mo naman, para sabon lang eh,” nagmamaktol na sabi nito pero sumunod din naman sa gusto kong mangyari.

Nagsimula na kaming kumain.

“Pandesal, kape, sinangag, tuyo at itlog, anong gusto mo?” inisa isa ni Santi ang laman ng lamesa at tinanong ako kung ano ang gusto ko, pambihira talaga tong taong to.

“Ako na pong bahala..” matabang kong sabi sa kanya ewan ko rin pero bigla akong nainis sa presensya niya, kinain ko naman lahat nang meron sa lamesa, nagpalaman ako ng itlog sa pandesal at pagkatapos sumandok ng sinangag na ang ulam ay tuyo.

“O, anong ulam natin mamaya, gusto mo bang maglakad-lakad sa palengke baka may gusto kang kainin o bilhin, wala na rin pala tayong bigas, bibili na din sana ako, gusto mo bang sumama?” tanong nito habang nagupunas ng kamay katatapos lang niya maghugas ng pinagkainan namin kanina sa almusal eto’t nagbabalak na naman atang kumain.

“O sige habang hindi pa masyadong mainit, may bibilhin nga din pala ako sa botika.” Naisip ko kailangan ko nga palang manigurado.

“Okay, bihis ka na, masyadong manipis yang tshirt mo at maiksi yang short mo.” Utos nito.

“Sige,” at kumuha ako ng pampatong sa tshirt ko at skirt na pampatong naman sa short ko.

“Gusto ko sana ng alimasag… mag gata tayo ng alimasag ngayong tanghali, tapos mamaya na tayo bumili nang para sa mamayang hapunan, wala naman tayong pasok, isa pa hindi ko pa alam kung ano gusto kong ulam mamaya.” Sabi ko habang nakatingin sa matatabang alimasag sa harap ko ng mga sandaling yon kasi nasa seafood section kami ng palenke sa centro ng subdivision na yon. bumili kami ng gata pang sahog at naghiwalay kami sa botika, iniwan niya ko dun at bumili siya ng bigas.

“Wala yung gamot na bibilihin ko eh, ang tagal tagal pa nung pharmacist tapos wala naman pala yung bibilhin ko.” Naiirita kong sabi pero nakabili na ko ng kailangan ko ayoko lang ungkatin niya pa kong ano ang binili ko sa botika kaya nagkunwari akong walang nabili, itinago ko yon sa bulsa ng short ko kaya hindi na siya nag usisa pa.

“Wow, sarap naman yang Indian mango, magkano po kilo?” natatakam kong tanong sa nagtitinda sa daan habang pauwi.

“kinse lang ne,” sagot naman nito.

“Sige po dalawa” sabi ko naman.

“ang dami naman niyan, mauubos mo ba lahat yan?” tanong ni Santing nagtataka alam niya kasing hindi ako mahilig sa prutas, oo nga naman nung nakaraan dalandan ngayon naman mangga.

“hindi naman ikaw ang magbabayad, anong nirereklamo mo diyan” pinandilatan ko na naman siya, kasi naman nakakainis talaga siya, parang naasar ako pag nakikita ko ang mukha niya.

“nagtatanong lang naman ne,” gaya niya sa sinabi sa kin ng tindera kanina.

“Tseh!” at iniwan ko na siya nauna akong lumakad dahil kahit ang toothpaste na gamit niya o mouthwash eh hindi ko na din gustong maamoy, pati ata cologne niya ayoko na ding maamoy.

Lumipas na naman ang isang araw, iba din ang tingin ni mommy sa akin, duda na din sa mga kinikilos ko, pareho ata kami ng iniisip.

Kinbukasan pag gising ko yun agad ang unang ginawa ko effective daw kasi sa umaga pag gising yon.

At hindi nga ko nagkamali, ayon sa pregnancy test na binili ko sa botika kahapon dalawang linya, positive ibig sabihin, ngii.. buntis nga ako. Wala akong choice kundi itabi muna ang pregnancy test sa bag ko at humiga ulit dahil maaga pa naman nagmuni muni muna ako sa tabi ni Santi, dun kasi ako nakatulog kagabi kahit ayoko ng amoy niya ngayon at ayokong Makita ang mukha niya, gusto ko naman siyang katabi.

“Tsup!” ginising niya ko ng halik niya, nakatulog na pala ko ulit at alas siete na.

Tinitigan ko lang siya saglit at bumuntong hininga.

“Okay ka lang ba?” tanong nito , habang nagliligpit kami ng hinigaan namin, naamoy na namin ang niluluto ni mommy para sa almusal, at baon namin.
”Medyo,” sagot ko.

“Anong problema mo?” tanong nitong nag aalala.

“Math, hindi mo kayang i-solve promise.” Biro ko dito. Alam ko kahit ako hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nagdadalawang isip akong sabihin sa kanya dahil ayokong matali siya sa kin dahil lang nabuntis niya ko, at kung aalukin niya ko ng kasal isang malaking hindi ang sagot dun. Mangani-ngani kong batukan ang sarili ko at nangarap pa kong alukin ako ng kasal nito. Naiiling iling ako habang sinasalansan ang mga unan na tinatabi ko para hindi makalat sa sala.

“Hindi ako nagsangag baka ayaw mo eh, luto na ang kanin at ulam yung baon niyo kumuha na lang kayo sa kaserola mamaya.” Pukaw ni mommy sa lipad ng isip ko.

“A, opo sige po,” sagot ko na lang na parang wala sa pagkain ang isip ko.

“Alas siete y medya na po, gumising ka na, tulog ka pa ata eh.” Biro ni Santi na nasa tabi ko na pala.

“Lika na kain na tayo” yaya nito.

“May sasabihin ako sa’yo mamaya.” Naibulong ko dito, ewan ko kung bulong ba yon o sadyang mahina lang talaga ang pagkakasabi ko.

“Sige, pero kumain na muna tayo, okay namumutla ka na oh” biro ulit nito.

Papasok na kami nang napagdesisyunan kong sabihin sa kanya ang totoo, may karapatan naman siyang malaman yon eh.

“Santi, may sasabihin ako sa’yo alam kong hindi ka handa para dito at ako din unexpected to pero ayokong isipin niya na unwanted siya ok.” Simula ko sabay abot ng pregnancy test na kinuha ko sa bag ko.

Nagtatanong ang mga mata niya.

“Pregnacy Test yan, dalawang linya ang ibig sabihin niyan buntis ako.” Sabi ko dito.

“Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nitong hawak ko, pero malinaw ang narinig ko… Buntis ka.” Mahinang sabi nito naglalakad kami non papunta sa gate kung saan sasakay kami ng tricycle papunta sa sakayan ng dyip.

“Plano kong sabihin kay mommy to, pero hindi ko hinihingi ang suporta mo.” Mariin kong sabi dito. “hindi mo kailangang magkunwari ….”

“Masaya ko sa balita mo, maging tatay na ko” putol nito sa sasabihin ko nawala tuloy ako nakalimutan ko tuloy ang idudugtong ko kasi malinaw ang sinabi niyang masaya siya, masaya siya t magiging tatay na siya.

“Masaya ko, masayang masaya talaga ko” sabi nito

“O, talaga lang hah” pang aasar kong sabi dito.

“Bakit, hindi ka ba masaya mag kakaanak na tayo?” tanong nito.

“Bakit may relasyon ba tayo?” tanong ko din sa kanya.

“Ano ka ba naman hanggang ngayon ba naman issue pa rin yan, hindi pa ba malinaw tong nangyayari sa tin, ano pa ba ang gusto mo” tanong nito. Sabihin mong “Mahal mo ko!” piping sigaw ko sa isip ko.

“Wala, ipapaalam mo ba to sa mga magulang mo alalahanin mo tumutulong ka pa sa kanila, hindi pa tapos mag-aral ang kapatid mo…”

“Wag mo na munang isipin ang partido ko ang mahalaga malaman ni mommy to Christmas gift natin to sa kanya.” Final na sabi nito.


Chapter 9

When Love and Hate Collide…

Sinabi namin kay mommy ang nangyari habang nanatiling sikreto sa pamilya niya, wala namang sinabi si mommy kundi ayusin ang buhay may pamilya namin nagbigay ng advice at sinabing suportado niya kami. Sinabi ni Santing konting panahon lang naming ililihim to sa pamilya niya, dahil ayaw niya isipin nang magulang niya na ititigil niya ang suporta sa kanila dahil magkakapamilya na siya dito, pero sa isip ko ayaw niya pang malaman sa kanila dahil baka makarating ito sa kasintahang naiwan niya sa Mindanao.

Marami kaming pagsubok na pinag daanan nakalipat na din kami ng bahay na malapit sa pinapasukan namin, maganda at kumportable sa bago naming nilipatan.

Nalipat siya ng mall na pinapasukan naassign siya sa ibang mall kaya hindi n na kami madalas magkasama, hanggang isang araw umalis si mommy at pumunta sa kapatid niya, gabi na non at naglalaba pa ko, habang siya ay nakaupo sa may pintuan ng may marinig akong nagtext.

“Hi! Santi, gising ka pa ba?” sabi ng message hindi niya namalayan nasa likod niya na pala ako at nababasa ko ang mga text at reply niya. Paglingon niya ay nagulat at namutla siya.

Tumalikod ako at bumalik sa ginagawa ko.

Maya maya ay tumunog na naman ang cellphone at tinatawagan na siya ng nagngangalang Beth. Tumayo ako at may hawak na labahin, ang laki na ng tiyan ko at naglalaba ako kahit gabi na, pero eto siya’t nakikipagtextmate wala akong karapatang magalit, pero ibinato ko sa kanya ang labahin niyang damit na may sabon pa.

“Putang ina ka, ang laki laki na ng tiyan ko eto at nagpapakapagod pa kong maglaba ng damit mong hayop ka habang abalang abala ka naman sa katext mate mo, hayan ang damit mo labhan mo! At pag natuyo yan magempake ka na at lumayas ka na dito dahil hindi ko kailangan ng sakit sa ulo” sabi kong umiiyak galit na galit ako nangako ako sa sarili kong hindi ako tutulad sa mommy ko na dahil sa kabaitan eh, inabuso at iniwan ng hayop kong ama ngayon hindi ko papayagang maulit sa kin yon.

“Rye, magpapaliwanag ako…”

“Ulol! Hindi ako maniniwala sa’yo dahil kitang kita ko at hindi ako tanga, putang ina ka kung gusto mong mambabae lumayas ka dahil hindi ko kailangan ng katulad mo, mabubuhay kami ng anak ko ng wala ka, hindi ako maghuhukay ng sarili kong libingan kung makikisama pa ko sayo, kaya bago kita ilibing ng buhay, mamili ka aalis ka o ako ang aalis.” Galit na galit pa ring sabi ko, mababaw na dahilan textmate lang pero hindi ako ganun Katanga kung kaya niyang mambabae hindi lang yan ang kaya niyang gawin sa kin, kaya ayoko ng kasal dahil ayokong mangyari to balang araw, ayokong maging separada di bale nang dalagang ina.

Hindi ko siya pinagbuksan ng kwarto at dahil mabilis akong magisip dala ko sa loob ng kwarto ang susi kaya hindi siya nakapasok.

Kinabukasan, maaga akong umalis nagtext ako kay boss na hindi muna ko papasok sinabi kong may emergency sa makati kung saan andun si mommy dun muna ko sa mga pinsan ko.

Paggising niya wala na ko sa bahay, nalaman niya na lang sa kapitbahay namin na nakakita sa king naglalakad at may dalang bag.

Alam niya kung saan ako pupuntahan, Kaya pagkagaling niya sa trabaho ay sinundo niya rin ako.

“Alam mo, okay na sana, sweet na sana, mahal na kita kahit alam kong hindi mo ko kayang mahalin, kasi nakikita ko naman maayos kang kasama, pero hindi ko inaasahan na kagaya ka din ng ibang lalake, at dahil dun, nabura lahat ng nararamdaman ko sa’yo, magsisisi ka lang kung pipilitin mong makisama ako sa’yo ulit,” sabi ko “dahil gagawin kong impyerno ang buhay mo.” Sa isip ko na lang yon masyadong madugo pag sinabi ko pa sa kanya yon.

“Isa lang ang sinisigurado ko sa’yo hindi ka magiging masaya sa piling ko, at pagsisihan mo na nakilala mo ko’t naging ina ng anak mo! Tandaan mo yan” yan ang mga salitang binitiwan ko sa kanya dahil pinilit niya kong umuwi at ayusin ang lahat, para sa kin ang nabasag na di na pwedeng idikit, at kahit anong pilit may lamat at may lamat na yon, kaya wala na siyang magagawa kundi tanggapin na ang minsang pagkakamali niya hindi ko na mabubura pa sa isip ko.

Hindi lang isang beses ko siyang nilayasan, minsan naman sinubukan ko siya, nagpanggap ako na exgirlfriend niyang naiwan niya sa Mindanao, sa text text lang, hanggang sa nagbigay siya ng ibang number sa kin hindi na niya number dahi katwiran niya, baka daw mabasa ko na nagtetext siya at pag nalaman ko gulo na naman daw.

Nang ipaalam kong ako yon, nagalit siya dahil ang alam niya ang mahal niyang kasintahan ang katext niya, mahal na mahal pa naman niya to.

“Sige, balikan mo siya, hindi kita hahadlangan sa kaligayahan mo, dahil mas gusto ko pang mawala ka na din sa buhay ko, hindi ko kailangan ng demonyong katulad mo, pag uwi ko dito ang gusto ko, wala ka na pati mga gamit mo, dahil kung kami ng mommy ko ang aalis lahat ng gamit dito amin, kung ikaw naman damit lang ang bibitbitin mo, kaya mahiya ka naman LUMAYAS KA NA!” oh di ba galit na galit talaga ko, ayoko sa lahat yung ginagago ko, mag tatalong buwan na noon ang panganay ko.

Pero awa naman ng Diyos sinubukan niya pa ring magbago, sa kabila ng panlalamig ko sa kanya at hindi magandang pakikisama, halos parang hindi na nga kami mag-asawa para lang kaming partners in bed, at nalaman na din ng pamilya niya ipinaalam na niya ng tumawag siya at umiyak ang anak niya nang tinanong ng nanay niya sinabi na din niya.

“O Ryanne, nag-usap na ba kayo ng anak ko kung kelan ang kasal niyo” tanong ng mama niya.

“Hindi ko po pakakasalan ang anak niyo, pasensiyah na po kayo, dahil ayokong mag-asawa ng babaero at hindi ho kami nagmamahalan, pang nagmamahalan lang po ang kasal” walang gatol kong sabi alam ko hindi maganda ang sinabi ko pero mabuti na din yun para hindi sila umasa.

“Eh anak, hindi naman pwede yon, gusto naming makasal kayo sa simbahan ni Santi, susuportahan namin ang gusto naming may basbas… ”

“Pa, hindi ho pwedeng magpakasal sa kin ang anak niyo, mawalang galang na po kasi iba ang gusto niyang makasama habang buhay, isa pa kung anak lang ang dahilan, mabibisita niya naman po ito eh, wag na nga lang po sanang ikasal, eh ayoko na nga din po sanang makisama dito eh, naawa lang ako‘t mukhang mahal na mahal niya naman ang anak niya.” Putol ko sa sasabihin pa sana nang tatay niya, hindi naman kami personal na nagkikita sa cellphone lang tumatawag. Wala naman silang nagawa dahil kagustuhan ko pa rin ang masusunod, buti nga isinunod ko pa sa apelyido niya ang bata eh, hindi naman ako maramot ayoko lang talaga ng ginagago ko dahil mas gago ko at pasalamat siya ama siya ng anak ko dahil kung hindi, baka lumutang na siya sa ilog pasig, punyeta siya.

Ilang buwan pa ang lumipas taon…pangatlong pambabae niya eh, huli ko nang nalaman,

“Alam mo, Rye, akala ko ang asawa ni Santi eh yung lagi niyang kasamang umuwi at kasabay kumain sa Mall, lagi kasi siyang hinihintay non, bago kita nakilala, tapos sinabihan ako ni Marlon na wag ko daw sabihin sa’yo kaya lang naalala ko lang naman.” Nadulas si Sandra sa sinabi niya asawa to ni Marlon na kapatid naman ni Santi, dumating si Marlon galing sa cebu ilang buwan na ang nakakaraan, naipasok ni Santi sa trabaho sa tabi ng shop niya sa mall na pinapasukan nito, napangasawa niya si Sandra na kasamahan naman niya sa trabaho pumisan samin ang magasawa ng nawalan ako ng trabaho, dahil nagresign ako, nakatanggap kasi si Mommy ng negosyo sa cavite kung saan sinuportahan siya ng kapatid niya kaya kaming lima ang natira sa bahay, si Santi, yung baby, Si Marlon, si Sandra at ako.

“Ganun ba? Ayos lang yon, alam mo Sandra, nasa bituka na non ang pambabae, baka mamatay yun pag hindi nambabae? Hayaan mo siya may karma naman eh.” Pagbabalewalang sabi ko, inaway ko sandali si Santi pag-uwi pero saglit lang hindi ko na pinalalim pa dahil sabi ko, “malalaman mong masakit ang ginagawa mo pag nakahanap ako ng pagkakataong gumanti sa’yo, at pahihirapan ko talaga ang loob mo habang kasama mo ko ang malas mo lang kung gustuhin mo pa kong makasama habang buhay.”

Four Years ang lumipas at alam ko kahit papano hindi siya nakatikim ng respeto galing sa kin ramdam ko na nahihirapan siyang pakisamahan ako, at hindi lingid sa kin na nasasaktan siya pag ipangalandakan ko kung ano lang ba siya sa kin, ang sarap ng pakiramdam ng nasasaktan mo ang taong nang api sa’yo, ang sarap lasapin ang tagumpay sa taong natutunan mong mahalin at kasuklaman.

“Mag-aaral na ang bata, diba dapat magpakasal na tayo kahit sa civil lang” tanong nito isang gabi. Napangiti ako, ano kaya kung sang-ayunan ko to, tapos ipamukha ko pa ring ayokong magpakasal sa kanya, at ulit uliting ikinasal kami hindi dahil mahal namin ang isa’t isa kundi dahil lang sa bata, ayaw niyang kasing hindi kasal ang magulang ng anak niya lalo’t mag-aaral na.

“Sige, asikasuhin natin yan” manhid kong sagot, Wow, habang buhay na to, kasal, di kaya pagsisihan niya to balang araw, nangiti ako at sinabi sa sariling, gagawin ko ang lahat para maging miserable ang buhay mo sa piling ko, humanda ka.

Pinaalam niya sa kanila ang napipintong kasal namin sa civil, at nagbigay suporta naman ang nanay niya at bunsong kapatid niya, pati ang tiyuhin na nagprisintang magluto ng handa at litson.

“Bhe, ngayon ang seminar natin, ready ka na ba?” excited na tanong nito.

“Sige, hintayin mo ko magbibihis lang ako” balewalang sagot ko feeling naman nito atat akong magpakasal sa kanya, mukha niya.

“May dala ba kayong requirements?” tanong ng staff na namamahala ng seminar.

“Naku ma’am wala po eh,” sagot ko.

“Id’s na nagpapatunay na kayo ang ikakasal?” inis na tanong nito ikakasal nga naman kami pero wala kaming dalang requirements ang galing nga naman.

“Meron po ako” sagot ni Santi at kinuha sa wallet niya ang Id niya sa trabaho.

“Ako rin po” sagot ko rin at kinuha ko din sa bag ang id ko sa kasalukuyan kong pinapasukan.

“Sige, kung wala kayong ballpen at papel bumili muna kayo sa baba kakailanganin niyo yun sa seminar.” Pagtatapos nito.

“Ikaw na lang ang bumaba hihintayin na lang kita dito.” Utos ko kay Santi habang iratado pa rin sa kasalang magaganap.

Natapos ang mga seminar na inatenand namin ng araw ng yon, pareho kaming nakaleave sa trabaho dahil dun.

“Nagtext si boss Santi may reunion daw kami, isama na daw kita mag si-swimming daw, dalhin ko na din yung inaanak niya at si mommy.” Anunsiyo ko dito nang nakarecieve ako ng text galing sa dati kong boss. Okay pa din naman ang samahan namin, magkakabigan pa rin kami ng mga kasama ko sa dati kong katrabaho, nag overnight swimming kami sa isa sa mga private resort sa Los BaƱos, Laguna.

“Buntis ka Rye.” tanong ni mama.

“Hindi ah.” Sagot ko, medyo umbok nga naman ang puson ko at sa pagkakaalam ko dalawang linggo na din akong hindi na naman dinadatnan.

“Hindi kita tinatanong, sinasabi kong buntis ka Rye, hindi ako bulag.” Diin ni mama.

Nakaone piece swimsuit ako non, at medyo malaki nga ang puson, hindi pangkaraniwan, kahit kakakain lang namin bago kami lumusong sa tubig, hindi nga ata ako busog.

“Siguro hindi ko pa nakukumpirma, pero in case of okay lang ikakasal na din naman kami.” Walang damdamin kong sabi.

“Wow, talaga secret ba yan bakit ngayon lang naming nalaman” tanong ni kuya Eug.

“Hindi ah, hindi to secret hindi pa nga lang namin kasi tanggap na ikakasal na kami, sapilitang laban tong tinatahak ko, kailangan lang ng dokumento ng bata.” Sagot ko naman.

“Grabe, ka naman hanggang ngayon ba naman issue pa rin kung mag-ano kayo, hindi pa malinaw na mag-asawa na kayo?” tanong ni boss na medyo naiirita sa inaasal ko.

“Hndi naman boss sa ganun, alam niyo naman mabuti pa kayo ni mama, naging magkaibigan, nagkadevelopan, nagligawan, nagkarelasyon, at least kung ikakasal man kayo malinaw na mahal niyo ang isa’t isa di ba?” tanong ko dito.

“Ang lagay magdalawa na ang anak niyo hindi niyo pa rin alam kung mahal niyo ang isa’t-isa?” tanong ulit ni Kuya Eug.

“Lahat tayo may dinadaanang proseso bago sabihing mahal mo ang isang tao, sa kaso nila Rye, walang proseso, malamang init lang yan ng katawan.” Biro naman ng isa naming kasamahan na naging kumpare ko din sa anak ko.

“I agree with you 101%” sabi ko na lang habang shumashot ng tequila.

“Hoy, babae buntis ka tumigil ka ng kakainom diyan.” Babala ni mama.

Tinitigan ako ni Santi at nilapitan.

“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong nito.

“Di pa ba tayo naguusap ng lagay na to?” balik kong tanong dito.

“Seryoso ko, tumayo ka diyan.” Mariing sabi nito.

“Wag mo kong bigyan ng ganyang tono, wala kang karapatan, pero tatayo ako ayokong masira ang gabing ito.” Mariin ding sabi ko dito.

Sa isang kwarto niya ko dinala

“Anong gagawin natin dito, nagiinit ka na naman ba?” maanghang kong tanong dito, nakakatatlong shot pa lang ako at hindi pa ko lasing hard yon at hindi ako masyadaong nalalasing sa hard na inumin.

“Pwede ba tama na ang pambabastos mo sa kin, di mo lang ako nirespeto sa harap ng mga kaibigan natin, ni minsan hindi ko naramdamang nirespeto mo ko bilang asawa mo.” Sabi nitong may tension.

“Punyeta, asawa ba kita? Saan sa kama? Kung ikakasal man ako sayo tandaan mo papel lang ang habol nating pareho don, pero kung respeto ang gusto mo maghanap ka ng babaeng rerespeto sayo, wag ako ang hanapan mo nang kung anu-ano, hindi ako ang tipong yuyuko lang sa lahat ng gagawin mo.” Sagot ko ditong naniningkit ang malalaki kong mata.

“Tumigil ka na sa kakainom baka makasama sa bata.” Sabi nitong huminahon.

“Gagawin ko ang lahat ng gusto ko, isa pa hindi pa siya malalasing, two weeks pa lang akong delayed wag kang praning, at wag mo kong uutusan na parang swelduhan mo ko, dahil kung kaya mong gawin ang gusto mo, bakit hindi ako hah! Tanga ka ba hindi ako ang babaeng magbabalewala ng lahat ng katarantaduhang ginawa, mo…”

“hindi na ba matatapos yang issue na yan” putol niya sa sasabihin ko.

“hindi kahit kelan hinding hindi ko pwedeng alisin sa sistema ko kung ilang beses mo kong tinarantado, at kung ilang beses mo kong binalewala noon, ngayon mararamdaman mo kung gano kasarap ang ginawa mo sa kin non, at habang may panahon ka pa pwede ka pang umurong sa kasal mo sa kin, dahil kung hindi habang buhay kang nakatali sa kin bilang walang kwenta mong asawa na magbibigay ng kalbaryo sa buhay mo, sa hirap at ginahawa, at mamatay kang mag-isa, letse, kung ayaw mong marinig angmga pinag uusapan namin at mga sasabihin ko sa kanila tungkol sa pinakamabait ko daw na asawa, eh di wag kang lumabas magkulong ka diyan!” sigaw ko ditong nanggigigil na.Pero sumabay siya sa king lumabas, galit na salit na dumive sa pool at nagpakapagod lumangoy.

Matapos ang tagpong iyo ay hindi na niya ko kinibo, so what? Wala kong keber no, mukha niya,sana magbago ang isip niya, pero alam kong mapapahiya pag ginawa niya yon lalo na sa partido niya na sinabihan na niya at nakahanda ang pamasahe pa Maynila.

“Bhe, saglit lang,” tawag niya sa kin, may pinakita siyang medyo sakit sa balat at medyo maselan, nangiti ako ng bahagya.

“O loko, di nakarma ka, malamang sa babae mo nakuha yan, anyway magpa derma ka para makasiguro ka.” At iniwan ko na siya sa kwartong naniningkit na naman ang mata.

Dahil nahihiya, nagpasama siya sa kin sa isang dermatologist, at dalawa lang ang kinumpirmang pwedeng pagkuhaan ng sakit na yon, sa babae o mamaso isang uri ng bulutong na malalaki kung tumubo.

“O inumin mo to, at ipalinis mo kay misis yan, ipapahid mo to, tatlong beses isang araw, ito naman muna ang isasabon mo diyan, tapos antibiotic yan in case sa babae mo nakuha yan madaling gagaling yan.” Sabi ng doktorang sa kin nakatingin, siguro tinimbang kung pano ko mag rereact sa sinabi niya, pinipigil ko ang ngiti pero hindi ko din napigilan hanggang sa lumuwang na ang pagkakangiti ko na parang sinasabing buti nga sa’yo.

“O palinisan mo daw yan sa misis mo, maghanap ka ng maglilinis niyan, hindi mo sa kin nakuha yan, baka sa kabila, doon ka mambwisit wag ako ang perwesyuhin mo, bahala ka sa buhay mo.” Sabi ko dito pag dating namin sa bahay.

Isang linggo siyang nilagnat dahil sa sakit na yon, sabi kasi ng doctor pag nilagnat siya mamaso yon, pero pag gumaling sa antibiotic sa babae niya nakuha yon. Ano naman ang pakialam ko kung kanino o saan niya nakuha yon.

“Pasalamat ka, may sakit ka at hindi ka makakapasok dahil diyan sa sakit mo, at wala kong magawa kundi alagaan ka, sa susunod pumili ka ng malinis linis na babae hah, para hindi ako napeperwisyo sa katarantaduhan mo.” Inis kong sabi dito. “Ganyan ba talaga ang tingin mo sa kin, o bakit hindi ka man lang nasasaktan kung nambabae nga ako, ibig sabihin hindi ako satisfied sayo…”

“Hep.. wait, una wala akong pakialam sa yo, kahit mambabae ka pa ng ilang libong beses ngayon, one is enough twice is too much, at nakatatlo ka na sa pagkakaalam ko ewan ko sa hindi ko pa nalalaman hah, pangalawa, bakit ako masasaktan ano ba kita, mahal ba kita, mangarap ka, at pangatlo hindi mo kailangang masatisfied sa kin dahil, sa pagkakakilala ko sa’yo kahit sinong babae, maghahanap ng iba kung ikaw ang asawa nila, buti na lang at naisalba ng anak ko ang natitira kong dignidad para sa kanya, kahit para sa anak ko na lang hindi na ko hahanap pa ng lalaking inutil na para ko na ring hinukay ang sarili kong libingan, tama nang nadapa ako sa’yo at sa’yo ko bumangon para lang idapa ako ulit, sapat na yon, para hindi na mangarap magkaroon pa ng isang katulad mo sa buhay ko. HAYOP!!!” sigaw ko dito.

Madugo masyado, alam kong sumosobra na ko pero kinasusuklaman ko siya. Kinasusklaman ko siya dahil hindi niya ko kayang mahalin, kinasusuklaman ko siya dahil sa likod ng lahat ng ito at sa likod ng katapangan ko, alam kong umaasa akong mamahalin niya rin ako, pero pano pa mangyayari yon kung wasak na ang lahat sa amin, at wala na kaming pag-asang magkaayos.

Kabanata 10

Past… Present… & Future

Nairaos ang kasal ng buwan ding yon, pero gaya ng inaasahan, pakitang tao lang lahat ng yon.

Lumipas ang isang taon, at hindi ko na din inaasahang may mabubuksang muli sa nakasarado ng chapter ng buhay ko.

“Hello” sagot ko sa cellphone ko isang gabi, kakatapos ko lang kumain non at naninigarilyo ako sa labas ng bahay.

“Hi, Honey, kumusta ka na?” sabi ng nasa kabilang linya, kinutuban ako, nanlamig at kinabahan. Si Meynard nakontak ako ni Meynard?. Tanong ko sa sarili ko.

“Sino to?” maang kong tanong.

“Nakalimutan mo agad ang boses ko, sabagay after six years, kumusta ka na?” balik tanong nito.

“Okay lang,” walang damdamin kong sagot.

“Kumusta naman kayo ng asawa mo?” tanong ulit nito.

“Okay naman, ikaw kumusta ka na, kayo ng asawa mo kumusta naman?” tanong ko din dito.

“Wala pa kong asawa, pinaghahandaan ko pa, gusto ko sana ikaw, okay lang ba?”

“Hindi na ko pwede, ang dami mong babae, ba’t hindi ka na lang mamili don.”

“ikaw ang gusto ko”

“May anak na ko, dalawa na nga eh, alangan namang magpalaki ka ng hindi mo anak….”

“Bakit hindi, basta mahal ng mahal ko, aalagaan, at mamahalin ko rin.”

“Sinasabi mo lang yan…”

“Hindi ah, hindi naman ako magsisikap ng ganito kung wala kong balak balikan ka, gaya ng sabi ko sayo noon, magaabroad pa ko, mag-iipon para sa atin.”

“Pareho kayo ng balak ng asawa ko, magaabroad din siya para sa min”

“Pero ako, pagbalik ko ibabahay na kita, gusto kong humanap ng bahay diyan sa Laguna, para mapalapit sa’yo at para sa’yo ang lahat ng pagsisikap ko, para sa’yo lang.”

“Adik ka ba? Isipin mo nga yang sinasabi mo, hindi na ko pwede at hindi man ako nangarap ng pamilya, panahon na siguro para tanggapin ko ang katotohanang hindi tayo para isa’t-isa” mahabang paliwanag ko dito.

“Sino yan?” tanong ng nasa likuran ko nakalabas na pala ng bahay si Santi tapos na siguro ang pinanonood niya, iniwan ko siyang nanonood ng Dvd at ngayon nga’y heto’t biglang na lang sumulpot sa likuran ko.

“Si Meynard” maikling sagot ko dito.

“Bakit mo pa kinakausap yan?” tanong ulit.

“Bakit, tao siyang tumawag alangan naming bagsakan ko, isa pa nangungumusta lang naman yung tao.” Sagot kong naiirita na naman.

“Sige tatawag na lang ako ulit, ihanda mo na yang asawa mo, aagawin kita sa kanya sabihin mo, hindi kita titigilan hanggat di kita nababawi sa kanya.” Banta ni Meynard at pinatay na ang cellphone, hindi man lang ako hinintay na sumagot adik talaga.

“Sagutin mo nga ko, Mahal mo pa ba siya?” Tanong ni Santi ng ibulsa ko ang cellphone.

Hindi muna ko umimik gustong gusto kong sagutin ng Oo para lalong mapikon to, pero nanatili akong hindi umimik ng tumunog ulit ang cellphone ko.

“Ako na ang sasagot” sabi nito habang inagaw ang cellphone sa kamay ko.

“Hello!” sagot nito.

“Pare, pasensiya na hah, pwede kay Ryanne.” Si Meynard na naman gulo ata talaga ang trip nito eh. Pero binigay ni Santi sa kin ang cellphone na ipinagtaka ko naman.

“O, para sa’yo” sabi nitong parang bumagsak ang langit at lupa sa mukha niya. Gusto kong magdiwang, pakiramdam ko nakaganti na din ako sa lahat ng sakit na dinanas ko nung panahong siya ang nagloloko, gusto kong sakyan ang trip ni Meynard para maranasan nito lahat ng naranasan ko.

“Ano may nakalimutan ka bang sabihin?” tanong ko dito pagkasagot ko.

“Oo, nakalimutan kong sabihin na pag nagalit ang asawa mo, sabihin mo, kung merong may karapatang magalit ako yon, dahil ako ang nawalan at inagawan ng girlfriend, hindi siya.” Sabi nito.

“Yun lang?” tipid kong sagot dito.

“At mahal na mahal kita sa kabila ng lahat ng nangyari ikaw lang mamahalin ko, at babawiin ko lang ang para sa kin, mag iingat ka pag sinaktan ka niya sabihin mo sa kin at susunduin ko kayo nila mommy at ng mga anak mo diyan, tandaan mo, mahal na mahal kita.” Pagtatapos nito at pinatayan na naman ako ng cellphone, nangingiti ako’t umiiling habang binubulsa ko ulit ang cellphone ko.

“Mukhang masaya ka ata at nakausap mo ang pinakamamahal mo?” Maanghang na tanong ni Santi habang tinititigan ako ng masama.

“Natatawa lang ako sa reaksyon mo, tsaka sa mga pinagsasabi ni Meynard, nakaka-aning” sabi ko ditong natutuwa sa nangyayari, pero may bahagi ng damdamin ko ang nasasaktan dahil nakikita ko ang bakas ng sakit sa mukha ni Santi, alam ko nasasaktan siya, dahil sa pagkakaalam niya na mahal ko pa rin si Meynard.

“Bakit anong sabi niya?” tanong nito, kinuwento ko lahat ng sinabi ni Meynard nang nakangiti.

“At masaya ka na, dahil babalikan ka ng taong mahal mo, sabihin mo sa kanya wala akong inagaw sa kanya, at sabihin mo rin kung gusto ka niyang bawiin sige, sumama ka sa kanya kung gusto mo pero iiwan mo sa kin ang mga anak ko.” Mahabang sagot nito, nasasaktan siya ramdam ko yon, lihim na nagtatalo ang pagdiriwang at pagkabigo sa puso ng mga sandaling yon, dahil hindi niya ko mahal para ipamigay lang ng ganon kadali, sabagay, hindi pa ba sapat ang pambabalewala ko sa lahat ng ginawa niya matapos ang lahat ng kasalanan niya at pagkukulang, hindi pa ba sapat ang hindi ko pagrespeto sa kanya bilang asawa o lalake sa bahay na to, hindi pa ba sapat ang lahat ng sakripisyong ginawa niya pero hindi ko binigyan ng importansiya, bagkus lahat ng kasalanan, pagkukulang at mali niya lang ang nakikita ko at binabalikbalikan, ipinamumukha ko sa kanya lahat yon, pero wala akong narinig sa kanya, tinanggap niyang lahat yon, naging mabuti siyang asawa’t ama sa kabila ng lahat kagagahan ko, dahil hindi ko na siya binigyan nang pagkakataong ipakita at iparamdam na nagbago na siya, na mahal niya ang mga anak niya, dahil sa kabila ng lahat isang babae lang din ang nagmamayari ng puso niya, at naiwan niya ang puso niya sa Mindanao, hindi na niya ito nabawi pa, kaya hindi din niya ko kayang mahalin, hanggang dito lang talaga ang kaya niyang ibigay, kaya okay lang kahit mapunta ako sa iba, napagod na din siguro siyang subukang isalba ang pagsasama namin kaya siguro suko na siya.

“bakit hind ka na sumagot?” tanong ulit nito.

“Dahil siguro wala naman akong dapat sagutin, wala akong gustong sabihin, wala na kong dapat ipaliwanag, tulad mo, alam nating hindi tayo lalago, hanggang dito lang tayo, hindi natin kayang mahalin ang isa’t isa gaya ng ibang mag asawa na kaya sila nagsasama dahil mahal nila ang isa’t isa, siguro nga kung wala tayong anak matagal na tayong naghiwalay, pero hindi ko pinagsisihan na nagkaanak ako, ang pinagsisihan ko lang ay yung pinanagutan mo ko, na mga bata lang ang dahlian ng pagsasama na to, at napatunayan ko na maling idahilan ang mga bata para magsama tayo, magtiyaga sa isa’t isa… Santi, hindi ko to ginusto, wala akong planong maging ganito…” madamdamin kong sabi dito.

“Hindi mo kailangan saktan ang sarili mo, ganun din ako, aalis ako, pero hindi dahil gusto ko kayong iwanan, aalis ako para magkaroon kayo ng maayos na buhay, sa pag alis ko baon ko ang pagmamahal at tiwala na binigay ko sa’yo, at sa tagal ng pinagsamahan natin, sana naramdaman mo na minahal kita, mahal na mahal kita, hindi ako makikisama sayo kahit hindi mo ko nirerespeto, hindi ako magtiyatiyagang pakisamahan ka sa kabila nang pagtrato mo sa kin bilang asawa mo, hindi ako tatagal sa mga ginagawa mo sa kin, sa pagkakapahiya ko sa kahit na sinong kausap mo, kung hindi ako umaasang maayos natin ang pagsasama natin, na mamahalin mo rin ako, gaya ng pagmamahal mo kay Meynard, kung pwede ko lang nakawin ang puso mong hawak niya, pero ngayon ko narealize na mahal mo talaga siya, kitang kita sa mata mo kung gano ka kasaya nung kausap mo siya, kung hindi mo ko kayang mahalin… hindi kita pipigilang sumama sa kanya, hindi ko naman ipagdadamot ang karapatan mo sa mga bata pero hindi mo sila pwedeng isama. Aalis ako, at pagbalik ko kung hindi na kita aabutan sa bahay, dahil sumama ka na sa kanya, nakahanda akong tanggapin yon.” Sabi nitong tuliyan ng lumuha. Tumalikod. At humakbang patungo sa bahay.

“Masaya ko,” sabi ko dito na nagpatigil sa paglakad niya pabalik.

“Masaya ko kasi nakikita ko ang reaksyon mo habang kausap ko siya, nasasaktan kita, gaya ng mga sakit na naranasan ko noon sa’yo, masaya ko kasi nakaganti na ko sa’yo sa lahat ng pasakit na pinaranas mo sa kin noon, Masaya ko, kasi alam kong kahit papano mahal mo rin ako, pero gusto mo kong ibigay sa kanya nang hindi mo man lang ipaglaban ang pagmamahal na sinasabi mo, handa kang ibigay ako sa kanya nang ganun kadali, tapos isasampal mo sa kin ngayon na mahal na mahal mo ko, bakit hindi mo ko ipaglaban, asawa mo ko??!!!” galit kong tanong dito.

“Aalis ka nang mabigat ang loob mo dahil nakahanda kang tanggapin na sa pagbabalik mo maaring wala na ko sa bahay, aalis kang babaunin lahat ng sakit na dinanas nang isang gabi lang, aalis ka para sa min pero hindi ka umaasang buo pa kami pagbalik mo, Sige umalis ka, pero isa lang ang sasabihin ko sa’yo, alam mo kong anong klaseng babae ako, pero hindi ako ganun kababaw para itapon ang lahat ng pagdurusa ko sa piling mo, pitong taon din akong nagtitiis sa masalimuot na set up ng relasyon natin, pitong taon akong nagbakasaling mamahalin mo rin ako, pareho lang tayong nagkamali, pero hindi ba mas masaya kong aalis ka nang maayos, bakit kailangan humantong tayo sa ganito, hindi ka nakipaghiwalay sa kin noon nung isa pa lang ang anak natin, dahil kasalanan mo, pero bakit kung ako ang magkakaroon ng kasalanan, handa ka nang hiwalayan ako, binigyan kita ng pagkakataon pero paulit ulit mo kong sinaktan hanggang sa napagod na ko, pero bakit ngayong bumaliktad ang sitwasyon bakit mo aalisan ng karapatan at bigyan ako ng pagkakataong ikaltok sayo na hindi ako katulad mo, pwede ko bang isampal sa’yo na hindi ako NATUTUKSO, dahil ako ang nanunukso, na kung gugustuhin kong saktan ka at, ipamukha sayong kaya rin kitang gaguhin eh magagawa ko, pero sa tagal ng pagsasama natin hindi ko ginawa yon, wala akong oras para don, ako ang tinawagan, hindi ako ang tumawag, kaya ako ang iiwas hindi ako ang iiwasan. Inuulit ko hindi ako katulad mo. Mababang uri man ako sa tingin mo, pero nung nambabae ka habang magkasama tayo mas mababa ka pa ka sa kin, pero magkasama pa rin tayo diba? Bakit hindi ka mag-isip nang mas makabuluhan, kesa balikan natin ang lahat ng nakaraan bakit hindi natin isipin ang ngayon at ang bukas… ng magkasama…?” mahabang sabi ko, tama na rin siguro ang lahat ng naranasan namin, pareho kaming nagkamali, siya, nang natukso at nagpatukso ng paulit ulit, ako naman nagbigay ng pagkakataon pero hindi nagbigay ng respeto at pagmamahal, siguro panahon na rin para pakawalan namin ang lahat ng nararamdamang nakakubli lang naman dahil sa takot masaktan muli at mawalang ng pag-asa. Lahat ng galit at pagmamahal ay hinayaan naming makawala ng gabing yon, at sa kauna-unahang pagkakataon, nagtabi kami sa kamang magkayakap at nakatulog kami sa pagod, baon namin ang ngiti sa labi at pag asang pag gising namin ay magiging maayos na lahat.

“I love you…” bulong nito bago kami natulog

“I love you too…” sagot ko naman at pumikit, bukas bagong umaga, tapos na ang nakaraan, at iiwan na namin ang kasalukuyan dahil haharapin namin ang kinabukasan.


Epilouge

Pumayag akong umuwi kaming lahat sa Cebu, sa probinsiya niya makalipas ang ilang buwan, pinakilala niya kami sa lahat ng kamag anak niya dun, masaya naman ang bakasyon namin doon dahil magkasama kami at nang dalawang naming anak, namasyal kami sa tabing dagat at kung saan saan pa.

Patuloy pa rin akong kinokontak ni Meynard pero, binabalewa ko na yon, dahil makulit to, kahit pinapatayan ko na cellphone at hindi ko naman kinakausap o tintext man lang ay patuloy pa rin ito sa pambubulahaw.

“Patulan ko na kaya yang bestfriend ko baby?” tanong ni Santi habang nakasandal ako sa dibdib niya at tinitingnan ang mga bituin sa langit, nakauwi na kami sa Laguna noon at hinhintay ang mga papeles para sa pag-alis niya, papunta siya ng saudi at napagusapan na namin ang lahat ng detalye tungkol sa pag-alis niya at ang sistema naming mag iina, hindi na muna ako maghahanap nang trabaho dahil mag aaral na ang panganay ko, kailangan niya ng gagabay sa pag aaral niya, tutal naman kaya na ng sweldo niya kahit hindi muna ako magtrabaho.

“Ano ka ba? Hayaan mo na yan, sabi ko naman sa’yo magpalit na ko ng sim eh.” Sagot ko dito, gustong gusto na niyang barahin si Meynard sa pangungulit sa kin.

“Hindi kasi yan, titigil kahit magpalit ka ng sim…” sagot nito

“Di sige, patulan mo na,” sabi kong nakangiti sabay abot ng cellphone ko dito.

“Wag na, nakakaawa lang, hayaan mo na siya mapapagod din yan.” Sabi nito at balewalang pinatay ang cellphone, at hinalikan ako sa labi.

“Basta pag alis ko…”

“Hmm.. napagusapan na natin yan, magtiwala ka sakin at magtitiwala ako sayo.” Putol ko sa sasabihin nito.

“Opo” maiksing sagot nito.

Ilang linggo bago siya umalis ay nagkaproblema na naman kami nito, ay ako lang pala, malimit kasi siyang wala sa bahay, imbis na ilaan niya sa min ang natitirang oras niya dito sa Pilipinas dahil anytime pagdating ng visa niya ay ilang araw na lang ang bibilangin at aalis na’to, pero hindi, inuna niyang, magbilliard kasama ng mga barkada niya, magbasketball, at makinood ng dvd sa bahay ng kuya niya, habang kami dito sa bahay, ay naghihintay kung kelan niya kami bibigyan ng oras niya, sanay na ko sa ugali niyang ganon, isa din yon sa malimit naming pag-awayan noon, pero iba ngayon, paalis na siya at kailangan niya kaming bigyan ng oras kesa sa iba.

Hindi ko siya kinikibo at hindi na din ako tumatabi sa kanya dati nasa gilid ang bunso namin ngayon iginigitna ko na ito sa kama para malayo ako sa kanya.

Paggising niya sa umaga ay magaalmusal lang siya kasama namin, makalipas ang ilang oras, nasa bilyaran na siya, tanghalian na siya babalik at kakain pagkatapos ay sa bahay naman ng kuya niya at makikinood, sa hapon naman ay basketball, at pagkatapos ng hapunan, nood uli ng dvd sa bahay ng kuya niya, uuwi lang siya ng alas onse o alas dose, na kasalukuyan namang malalim na ang tulog namin, sino bang matutuwa sa pinaggagawa nito, paalis na nga siya, eh ganon pa ang ginagawa niya. Hanggang sa tawagan siya ng agency niya at sinabing kinabukasan na daw ang flight niya, alam niyang galit ako sa kanya, kaya pilit niya kong kinakausap, pero huli na, hindi na ko makikinig sa kanya, sapat na ang lahat ng ginawa niya para magtampo kong muli sa kanya, hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong magsalita, nanatili akong bingi sa mga sinasabi niya, kahit lahat ng klaseng sorry ay hindi ko tinanggap, hayaan mo siyang madala, ipararamdam ko sa kanya ang sakit ng nababalewala, para bauunin niya sa ibang bansa, lahat ng sakit at hirap ng pagngungulila sa min, kung mangungulila nga siya, pero sa kaso niya malabong mangyari yon, ayos na sana eh…

Hindi ko siya hinatid hinayaan kong isipin niyang galit pa rin ako, ang totoo sapat nang malaman kong iiwan niya ko pansamantala pero ang ang magpaalam sa kanya, sobra na, hindi ko na ata yon kakayanin, kaya kahit nung niyakap niya ko’t binilinan, nanatili akong walang emosyon, kasama niya ang kuya niyang maghatid sa kanya, at hinabol siya ng bunso namin, gusto nang bumagsak ng luha ko, dahil nakikita ko ang mga anak ko ng umiiyak naiintindihan nilang aalis ang kanilang ama at matagal na hindi nila makakasama, pero tinatagan ako ang loob ko, dahil dalawang taon kong kakayanin ang hindi siya makita at makasama, kaya ngayon pa lang kailangan ko nang maging matatag, hanggang sa muli niyang pagbabalik…

Nang umalis siya, halos parang wala namang nagbago, parang andito lang din siya, kasi lagi siyang wala sa bahay at do ko nararamdaman ang presence niya kaya siguro nasanay na din akong wala siya.

Pero pagkalipas ng mga ilang araw napansin ko na din ang mga pagbabago at unti unti ko na din narealize na iba pa rin pala nung andito siya, kaso wala na kong magagawa kung suportahan ang desisyon niyang mangibang bansa para sa min. Nagkakaroon kami ng communication sa text at tinatawagan niya naman ako, nagkakausap din kami on line at pinag usapan ang mga mangyayari sa muli naming pagkikita.

Sabi ko nga mas masaya kami ng hindi kami magkasama, parang ang luwag ng pakiramdam, pero syempre ganun talaga, buti nga kahit papano maayos na din kami sa dami ng pinagdaanan at pagdaraanan pa namin.

Isang taimtimang dasal at gabay sa Diyos ang lagi kong kasama sa tuwing mag aalala ako sa kanya, pasasalamat sa walang sawa niyang pag-alalay sa min, at sa biyayang ipinagkakaloob niya sa araw-araw.

Kaya hindi din kami sumuko, dahil alam namin, siguro nga may dahilan kung bakit nangyayari sa min ang mga bagay na hindi man namin ginusto pero ibinigay pa rin at ang mga bagay na inasam namin na hindi niya ibinigay ay dahil may mas maganda siyang bagay na para sa min.

Sabi nga sa text “If God never gives you what you want it only means he will give what’s the best for you…”

GOD BLESS….